Chapter 65

171 4 0
                                    

Keldrick pov

Nandito na kami sa airport

Ngayon mag kasama pa kami pero mamaya hiwalay na ang destinasyon namin ni Brenna

Mahigpit yung pagkakahawak ko sa kamay niya

"Keldrick hmm mamimiss ko talaga itong ganito"

"Haaaay bakit parang ayaw ko na sumama sa business trip"

"Hey Keldrick ngayon pa ba di na pwede"

"Brenna Let's go mag goodbye ka na"

"So paano na Keldrick aalis na ako"

Hinila ko siya at niyakap pagkatapos nun ay hinalikan ko siya

"Brenna huwag mong papabayaan yung sarili mo dun ha Brenna"sabi ko

"Oo naman Keldrick susundin ko lahat ng sinabi mo basta ikaw rin sundin mo lahat ng sinabi ko"

Niyakap ko siya lalo ng mahigpit

"Keldrick aalis na kami bitaw na please"

"Hey Keldrick bitaw na mamaya maiwan pa sila ng eroplano nila atsaka awat na " sabi ni kuya Zachie sabay hila sa akin

"Bye Keldrick I love you,bye sa inyo"

Nakita ko na papalayo na si Brenna hanggang sa huling sulyap na lang

"Keldrick okay lang iyan makakayanan mo rin iyan " sabi ni Aizel sa akin

Naluha ako bigla si Brenna paano na

"Hoy Keldrick ano ba bakit ka umiiyak tumigil ka nga halika na oh  ako na lang yayakap sa iyo isipin mo ako si Brenna"

"Ayoko sa iyo kuya gusto ko si Brenna"

"Si Keldrick parang bata halika na nga  "sabay hila sa akin ni Kuya Zachie

*****

Brenna's POV

Sina Keldrick kaya nakarating na sa business trip nila

Ngayon kasi kakarating lang namin dito sa Paris

Nakaramdam naman ako na parang nahihilo ako at parang masusuka

"Zaza pwede ba na samahan mo ako sa comfort room "

"Bakit Brenna masama ba pakiramdam mo"

"Oo kasi siguro napagod lang ako"

"Okay gusto mo gamot"

"Ah eh huwag ayoko umiinom niyan di ko naman ugali umiinom ng gamot kapag nasa biyahe"

"Okay "

****

"Brenna are you okay kanina ka pa diyan nagsusuka gusto mo dalhin na kita sa doktor"

"Zaza eh baka hinihintay na tayo sa inyo siguro bukas na lang "

"Okay basta kumain ka muna"

Nakarating na kami ni Xaza sa bahay nila  at bumungad sa amin si tita

"Oh kamusta Brenna namumutla ka yata"

"Ah siguro po napagod lang ako tita nanibago ngayon na lang kasi ako ulit nakapagbiyahe after 1year eh"

"Okay okay naghanda na ako ng pagkain siguro magpalit na rin kayo"

*****

"Look Brenna hinanda ko pasta carbonara di ba favorite mo ito"

Nakatingin sa akin si tita na para bang nagtataka kung bakit ayaw ko tikman yun ni amuyin

Pakiramdam ko kasi ayaw ko nun eh paborito ko naman yun dati

"Brenna ayaw mo ba?" Tanong niya

"Tita sorry ayaw ko ng Amoy niyan sorry talaga I'm sorry" di ko alam kung bakit naging sensitive ako ngayon o kung bakit umiiyak ako ng dahil sa carbonara

"Its okay hija naiintindihan ko ano ka ba parang anak na kita eh so ano ba ang gusto mo" tanong niya

"Ah tita gusto ko ng chocolates atsaka cake pakiramdam ko ang sarap sarap nun"

"Okay hija gagawa ako"

"Brenna talaga choosy sa pagkain aba iba ha"

"Tumigil ka Zaza"

Sinubukan Kong tawagan si Keldrick

"Hello?"

"Hello wife ano okay ka ba diyan?alam mo ba na Hindi ako mapakali dito kasi iniisip kita pakiramdam ko sinasakal ako dito tapos si kuya Zachie kung matulog pa akala mo girlfriend niya ako nangyayakap siya haaay ano ba naiirita ako,Brenna namimiss na kita di ka mawala sa isip ko Brenna"

"Okay lang iyan atsaka kausap naman kita ngayon ha ikaw talaga"

"Oh Keldrick let's go nagmamadali na sila oh"

"Okay bye na Keldrick mamaya niyan mahuli pa kayo tatawagan na lang kita ulit"

"Okay bye Brenna I love you"

"Keldrick bilis ayoko mahuli"naririnig ko yung sigaw ni kuya

"O sige na nagmamadali" naririnig ko pa rin sila

******
For one month puro tawag at text lang ang nagagawa namin ni Keldrick tapos minsan si kuya  Zachie pa ang nakakasagot ng phone niya kasi daw na bitawan na ni Keldrick sa sobrang antok

"Brenna ano okay na ba ito"

"Ito dito ba iyon well perfect place ito para sa inyo "

"Brenna bakit parang iba ka talaga eh Simula nung dumating ka parang may sakit ka ano Brenna if you want magpahinga ka muna"

"Okay lang" sabi ko pero bigla talaga akong nahilo

"Brenna "

*******

Nagising na lang ako na nasa hospital na ako
"Brenna gising ka na "sabi ni Zaza

" Teka nahimatay ba ako kanina"

"Oo ikaw kasi pinagod mo ang sarili mo Uy ha ninang ako niyan ha"

Nagtaka ako anong sinasabi ni Zaza sa akin ninang nino

"Ano anong sinasabi mo Zaza ang gulo mo"

"Hala si gaga tanga nahimatay ka kanina kasi nagpakapagod ka mamaya niyan magalit si Keldrick sa akin atsaka huwag ka nga diyan sabi ng doktor eh buntis ka one month na nga eh ito kaya ngayon mag ingat ka"

Nagulat ako hinawakan ko bigla yung tiyan ko, So magiging Mommy na ulit ako
Sasabihin ko ba Kay Keldrick

Kaso baka busy siya

"Beks ano tatawagan natin yung asawa mo"

"Ah ako na"

"Okay"

*******
Sinubukan Kong tumawag pero kapag nagkakausap kami eh biglang napuputol kasi lagi siyang kailangan dun

Teka paano naman kami

Gusto ko man sabihin eh busy siya at ayaw Kong magulo yung trabaho niya

****

Matagal tagal na rin

Its my nine months now

Pero heto si Keldrick wala pa ring alam

Mabuti pa sina Vhian at Jalri heto nandito binibisita ako

May tour kasi silang dalawa kaya nandito sila

"Brenna ano papuntahin ko na kaya si kuya Keldrick"

"No huwag muna sabi niya na extend daw sila  "

"Look Jalri oh si ate Brenna kahit ganyan sexy pa rin"

"Eh sexy ka rin naman di ba"

"Heh"

"Okay okay tumigil na nga kayo naiinggit kaya ako"

Si Keldrick kailan ko kaya siya makikita

I miss him

#thatwrongone

That Wrong One(Montes series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon