"ARE YOU okay?"
Narinig ni Kristel ang tanong na iyon ni Rico. Naroon sila nakaupo sa well-trimmed na Bermuda grass. She sighed. "Oo naman. Okay lang ako."
"Disappointed ka ba dahil may girlfriend na si Nick? 'Wag kang mahihiyang maglabas ng sama ng loob sa akin. Naghihintay lang sa 'yo ang matipuno kong dibdib para sandalan mo. 'Yon pala si Nick? Tsk, di-hamak na mas guwapo naman pala ako do'n!" conceited na sabi nito.
She laughed. Pabirong tinampal niya ang pisngi ni Rico. "Kahit kailan talaga saksakan ka ng yabang! At ano'ng palagay mo sa 'kin? Crying lady? Hindi pa katapusan ng mundo dahil lang may nobya na ang crush ko."
"Hindi nga ba? Seryoso ako, Kristel. Nandito lang ako para sa 'yo," sinserong wika nito.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Truth be told, wala siyang nararamdamang kirot o pait sa puso. Noong una ay na-disappoint siya. Pero pagkatapos niyon ay wala na. Hindi siya nalungkot. Masaya pa nga siya para sa kapitbahay.
"Don't worry too much about me here, Rico. Really. Hindi pa naman kasi ganoon kalalim ang nararamdaman ko para kay Nick, eh. I was just infatuated like a teenager to him all this time. Masaya pa nga ako para sa kanya. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano niya kamahal si Nicole," aniya, nagkibit-balikat.
"So, tanggap mo nang may girlfriend na siya? That he's now taken?" pagkaklaro ni Rico. May nahimigan siyang pag-asam sa boses nito pero hindi na niya binigyang-pansin pa.
"Oo. Ano pa'ng magagawa ko, 'di ba? Alangan namang agawin ko siya kay Nicole. Hindi pa ako desperada, ano?" natatawang sabi niya. "Kaibigan ko si Nick at hangad ko ang kaligayahan niya. Siguro ay naging drive at inspiration ko lang si Nick para matuto ako sa kusina. Alam ko sa puso ko, ginawa ko rin iyon para sa sarili ko."
Napangiti nang matamis si Rico. May kislap sa mga mata nito.
Nagtatakang tiningnan niya ito. "O, ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?"
Umiling ito. "Wala naman. Gusto ko lang ngumiti, masama ba?" Kapagkuwan ay tumayo si Rico at inilahad ang isang kamay sa kanya.
"O, ano na naman 'yan?" nawi-weird-han na tanong uli niya.
"Mamasyal tayo, Kristel. Ang totoo, kaya kita pinuntahan sa inyo ay para yayain kang lumabas."
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Are you asking me out on a date?"
"Yes."
Ngumisi siya. Pero ang totoo ay kinikilig siya na maagap din niyang sinupil. Baka naman friendly date lang iyon kaya huwag siyang mag-iisip ng iba. Siguro ay hindi pa rin ganoon kakumbinsido si Rico na okay siya kaya siya niyaya nitong makipag-date. "Okay."
"Great!"
"Pero 'balik muna tayo sa bahay. Magpapalit lang ako ng damit."
"Sure."
Tinanggap niya ang kamay ni Rico at inalalayan siyang tumayo.
OH, CRAP.
Hindi na mabilang ni Kristel kung ilang beses na niya iyong nasambit sa isip. Hindi siya makalakad nang maayos. Masakit na masakit na ang mga paa niya ngunit tinitiis niya. Nakakahiya kasi kay Rico. Hindi man sila lubusang nakakapagsimulang mamasyal sa mall ay parang gusto na niyang umupo sa tabi. She didn't want to become a lousy date to him.
She was wearing a pink six-inched high-heeled shoes. Iyon ang unang beses na ginamit niya ang sapatos. Nagustuhan niya kasi ang design kaya binili niya kahit hindi naman talaga siya nagsusuot ng sapatos na may mataas na takong. Hindi siya sanay. Flat shoes o kaya one to two inches lang na taas ng taong ang madalas na ginagamit niya.
BINABASA MO ANG
MY GORGEOUS CHEF ✔
RomanceCrush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gusto ni Nick sa isang babae ay iyong marunong magluto, namroblema siya. Hindi siya marunong magluto! Ka...