"Ngiti"

258 17 25
                                    

Mga ngiti mong kay sarap titigan na parang tala sa kalangitan na kay sarap pagmasdan

Ang iyong ngiti na kahit kailamay di ako magsasawang silayan
na kahit tila ilang segundo lang itong kumurba sa iyong mga labi labis na tuwa na ang nadarama na para bang kinumpleto mo na ang buong araw kong magdadaan

ngunit akoy may tanong bakit tila madalang lang itong kumurba sa iyong mga labi o minsan ko lang nga ba ito makita
sa kadahilanang minsan lang din naman kitang masilayan

Pero alam mo sa tuwing nasisilayan ko ang iyong napakagandang ngiti may isang hiling na bumubuo sa aking isipan
na sana naman kahit isang beses lang sa susunod na kukurba yang napakagandang ngiti sa yong mga mapupulang labi
Pede bang ako naman ang dahilan

"Ngiti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon