Chapter 9

2K 81 23
                                    


Irene's POV

Pagkadating ko bahay kahapon pagkatapos namin magperya ni Seulgi ay naabutan ko sina Mommy at Daddy na naguusap and thank God nagkaayos na sila.

Ngayon ay maaga akong pumasok para sana magpasalamat kay Seulgi at sasabihin ko rin na nagkaayos na ang parents ko. Aayain ko nalang rin siguro siya mamaya para siya naman ang ililibre ko.

Pagpasok ko sa room ay agad akong nag-intay kay Seulgi pero nagsimula nalang ang klase ay wala pa rin siya. Absent siya?

Kahit nagsisimula na ang klase ay pasilip-silip pa rin ako sa pintuan hoping na late lang siya.

"Hoy! Sinong inaantay mo diyan?" Bulong ni Wendy

"Ha? Wala naman akong inaantay ah?" Tanggi ko

"Sus! Inaantay mo si Seulgi noh?" Sambat naman ni Joy

"Excuse me? Ba't ko naman siya hihintayin? Kahit mamatay pa yun wala akong pake!" Depensa ko

"Sus! Di daw si Seulgi eh si Seulgi lang naman ang absent ngayon." Natatawang sabi ni Joy

Napatingin naman ako sa iba naming kaklase at oo nga si Seulgi lang ang absent.

Bigla naman ako nahiya

"Sus! Tumahimik na nga kayo!" Saway ko

San kaya yung oso na yun?

Kang Seulgi | k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon