Sumilip palang ang araw, naroon na siya. Lagi kong nakikita, sa loob ng silid-aralan. Madalas nagbabasa ng aklat na may iba't iba ang may akda. Minsan siya'y ngingiti ngunit madalas tahimik. Titingin sa durungawan ng aming silid-aralan. Sa kanyang pagtanaw mula sa bintana patungo sa kawalan, tinawag siya ng tao sa harapan. Taong may alam ng kanyang sinasambit at ibinabahagi saming mag-aaral. Siya'y pinatayo at pinalabas. Pinapupunta sa kanyang silid-tanggapan.
Kaming lahat ay nag-isip. Ano ang kanyang ginawa para siya'y papuntahin doon?Malipas ang ilang sandal. Nawala na iyon sa kanilang isip. Nagkanya-kanya nang muli ngunit ako'y nag-aabang parin ng kanilang pagbabalik. Malipas pa ang mahabang sandali at dumating na ang taong nasa harapan kasama ang aking kamag-aral na may pamumugto pa ang mata. Wari'y walang nakapansin. Lahat ay ganun pa rin malina sa akin. Gusto siyang tanungin ngunit walang magtulak sa aking dibdib upang gawin. Siya'y tumingin sa akin habang naglalakad pabalik kung saan siya palaging nananatili. Parang nangungusap sa akin. May gusto ipahiwatig.
Natapos ang klase. Umuwi na ang lahat ngunit siya ay naroon pa rin. Sa aking pag-iisip, hindi ko namalayan, siya'y papalapit na sa akin. Siya'y tumatangis sa aking harapan. Meron siyang sinambit, mahina ngunit malinaw sa aking pandinig. Ako'y nanahimik, hindi ko mabuka ang aking labi. May gusto akong sabihin ngunit pinigilan niya ng kanyang labi. Ako'y natulala, siya'y nakapikit na may luha. Ako'y nagalak ngunit may pagtataka. Natapos ang araw na kami ay magkasama. Hanggang sa pag-uwi ay hinatid ko siya.
Kinabukasan ay hindi ko siya makita kung saan siya naroon. Kung saan lagi ko siyang nakikita, nagbabasa ng mga aklat na iba't iba ang may akda, kung saan siya ngumingiti sabay titingin sa akin. Kung saan susuklian ko din ng matamis na ngiti at tyaka siya muling titingin sa kawalan. Dumaan pa ang mga araw, linggo at buwan. Hindi ko na siya nakita. Hindi na mapalagay ang aking sarili. Naglakas ako lumapit sa taong may alam ng kanyang sinasabi, taong nasa harapan at ibinabahagi ang karunungan sa lahat. Ako'y nagtanong
"nasaan na po siya?".
Siya' nanahimik, humugot ng malalim mula sa dibdib at tumugon sa aking gustong alamin.
"Wala na siya, may dikta na ang kanyang bukas. Siya'y lumisan kasama ang kaanak, nagtungo sa malayo upang walang makahalata. Walang masaktan, lalo na ang kanyang minamahal."
Hindi ko namalayan, habang siya ay nagsasalita ay may gumuguhit sa aking mukha mula sa aking mga mata. Mula noon, hindi na ako nagtanong pa.
Isang taon na ang lumipas. Minamasdan ko pa rin siya sa lugar kung saan siya laging naroon tuwing sisilip pa lang ang araw. Nagbabasa ng iba't ibang aklat at ngingiti sa akin. Sa upuan na ngayon ay akin na. Hindi pinapagamit sa iba at minamasdan ang inukit niya.
"Mahal kita _________."
2015
YOU ARE READING
Upuan
Proză scurtăkwento ng kabataan, minsang kaibigan handang masaktan ngunit di inasahan ang katapusan. ating saksihan ang maikling istorya ng isang mag-aaral na may pinamagatang "Upuan" ni TintangItim.