#4 Mas Maganda si Kiray

50 2 0
                                    

6/ 17/ 14

Dear Diary,

Wala akong ibang gawain kaya tatambay muna ako dito sa URP.

Anyway, gusto nyo ng story telling? Share ko lang sainyo tong mala- MMK (Mas Maganda si Kiray) story namin ng best enemy este bespren ko. XD

*ehem ehem*

Dear Charo, XD

Katapusan ng March nun nang nag- away kami. Shunga kasi siya.. well, naging shunga rin naman ako. Pero mas naging shunga padin siya noh! AHHH EWAN!

Meron kasi siyang nasabi sakin nun na por mi, nakakasakit. Naiyak nga ako sa harap pa talaga niya at ng ibang tao nun eh. Di ko rin kasi inexpect yun. Basta ang alam ko lang, mas malamig pa yelo ang pakikitungo niya sakin. Charot.

Out of nowhere, she lend me a handkerchief. I rejected it but she insisted. Sabi niya, "Tanggapin mo nalang yan.. Masakit ang nasabi ko, at least may mabigay man lang akong makakapag ease nun."

At dahil minsan nga naman, umaandar talaga tong topak ko, pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay, kinompranta ko siya dito sa wattpad. Ni message ko siya ng "Right now, I see you as an insensitive naive selfish person! ---------------- etc."

<Naks! Iba talaga ako pag nasaktan, napapa english ng wala sa oras XD>

Hindi ko naisip na baka ako naman talaga ang nagkamali kaya sinabi niya saking "Di na kita bespren.... Mas.... mas masaya kasi ako pag sila ---- ang kasama ko."

Nag- sori ako sakanya pero iba ang delivery ng sori kong yun. Parang forced o sarcastic. Nagreply siya sakin "I can hear the sarcasm of your message from here." I can't blame her for saying that... dahil,alam ko naman sa sarili ko yun.

Nung narealize ko kung gano kamali ang nagawa ko, naiyak na naman ako. Sising- sisi ako nun. Di ko naman siya magawang mareplayan dahil parang nakakatakot at litong- lito pa ko.

Kinabukasan sa school, medyo kalat na yung away namin, which is hindi ko nagustuhan. Ewan ko ba dun sa ibang classmates namin, dinaig pa kami ni bespren sa pagiging tsismosa, at tinanong pa talaga akong, "Eh kelan kayo magbabati?" Naiinis ako sa pagiging pakealamera nila!

Everytime naman na sumusulyap ako sakanya, nandun lang siya sa isang banda kasama ang barkada na tinutukoy niyang mas nasasayahan siya dun.

Tinanong ko sa sarili ko, "Ganun ba ko ka boring? Lagi nalang ba wattpad ang topic namin? Bakit niya naisip na option lang siya sakin? Dahil ba kina ---- at ----?"

Simula nun, nawalan na talaga ako ng planong mag initiate ng reconcilation. Siya, di rin siya lumapit sakin.

Amidst that, sobra ko siya namiss. Yung mga kalokahan ko kasama siya, yung pagiging byuntae namin, pag- uusap tungkol sa ABS XD at kung anu- ano pa.

Pero nagbago ang lahat ng yun ng mag April 2. Recognition namin sa classroom at pagkatapos maliligo ang buong klase sa swimming pool. Di ako nakatiis tiyaka thanks to a certain friend, na nagbigay ng bonggang motivation sakin ay lumapit ako kay bayett! <CS ho namin yan>

At yun, nagkabati na kami! Whoo! *sabog cofetti* *fireworks display*

Hanggang dito nalang,

Ailee ganda :*

P.S. Maghintay lang kayo, aabot din tong storyang to kay Madam Charo! Hahaha! Tiyaka baka gusto niyong hulaan kung sino yan si "bespren" nandito lang siya sa URP! :))

Diary ng Charoterang si Ailee ganda :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon