My name is Natalie Alba. I came from a rich family who owns a big chains of trading companies in different countries.
Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman ang pamilya namin kaya nakukuha ko lahat ng gusto ko. At dahil supportive rin ang parents ko kaya binibigay nila lahat ng pangangailangan ko.
I also have all the attention, fame, wealth, and everything I want and need. But I realized that everything's just not destined to be ours forever..
Simula noong seven pa lamang ako ay alam ko na sa sarili ko na inloved na ako sa isang partikular na lalaki.
Si Quilo Croixlan.
Sabi nga noon nila mommy at daddy hindi raw iyon inlove, crush daw pwede pa kasi grade 3 pa lamang ako at hindi ko pa raw alam ang ibig sabihin ng 'inlove'.
Pero paano naman nila nasasabi iyon e hindi nga rin nila alam ang tunay kong nararamdaman sa lalaking 'yon. Kahit na bata pa ako, may alam na rin ako sa nga bagay bagay at isa na roon ang pag-ibig.
Unang kita ko pa lamang sa kanya parang gusto nang lumabas ng puso ko sa katawan ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Bakit hindi? E ang pogi pogi ni Quilo tapos sobrang linis sa katawan, matalino, mayaman at higit sa lahat mabait.
Naaalala ko pa nga noong birthday ko nun. Nagcelebrate ako ng party sa room namin.
Nagprepare sila mommy at daddy ng mga delicious foods para sa mga kakain. Syempre mga bata pa kami ng mga classmates ko kaya hindi nawala ang cake and ice creams!
Tapos si Quilo nakita kong maganang kumakain ng handa ko. I felt so happy and very proud.
Sa isip isip ko dapat lagi akong magpa-impress sa kanya at dapat laging perfect sa kanyang paningin kahit na hindi kami close at naguusap.
Noong grade 4 naman, still classmates pa rin kami ni Quilo, nagkaroon ng jingle event sa school namin.
Kailangan raw na may five representatives sa section namin at isa ako sa napili na lumahok sa contest ng poster making sa school.
I never doubted to join dahil nga gusto kong magpaimpress kay Quilo and I always told myself na this is for Quilo. My Quilo.
Nasa stage na ako no'n at sumasabak sa paggawa ng poster making. Magaling naman ako sa arts kaya keri ko iyon.
Hanggang sa matapos ay inannounce ang nanalo and I won the first place!
Tuwang tuwa ako habang katabi ang mga iba pang winners sa stage at ibinibigay sa amin ang certicates and trophies.
Ako ang may pinakamalaking trophy dahil nga ako ang pinaka-winner amongst all of them.
Ang mas nakadagdag pa ng happiness ko that moment is seeing Quilo looking and smiling at me while clapping his hands.
Hanggang sa naging grade 5 and 6 kami ay magkaklase pa rin kami ni Quilo. Nakakapagusap usap na kami pero still hindi pa rin kami close.
Pero patuloy pa rin ang pagpapaimpress ko sa kanya at hindi ako tumigil para naman mapansin niya ako.
Ako kasi si Natalie at nakukuha ko ang gusto ko.
Hanggang sa sumapit ang graduation. Nagpasalon at spa pa ako no'n kasi gusto ko maganda ako sa paningin ni Quilo.
Na-award-an ako bilang valedictorian sa school. I still remembered my short speech na sinabi ko sa harap ng mga tao at ni Quilo.
"I just wanted to say thank you po to everyone who believes in me. Lalo na po kay Papa God who gives me this courage, to my mommy and daddy who's always there to support me. I love you mom and dad! To my bestfriend, Pola and to the special person na naging inspiration ko silently para po makuha ang achievement na ito. Thank you all. And I love you Quilo Croixlan!"
BINABASA MO ANG
Treasured Love
ContoWattys 2018 Longlist I love you, you love me. But can we still be happy? With the greatest curse but with a kiss from me to you. Thank God, you still love me too.