X - The Wedding

671 20 1
                                    

It's a day to celebrate for them but for me? Nuh. Isang araw na naman ng pagpapanggap at pagtitiis.

"B, You ready? Let's meet na lang sa reception?" Tumango ako hindi sa tanong nya kung ready na ba ako kundi sa mag kita kami sa reception. I'll be with Ells sila nila Kim sa reception na lang daw pupunta at sabi ko sumama sya pinaalam ko rin naman kay Dennise yun.

Isang oras ang lumipas ay nasa harap na ako ng dambana. Naghihintay sa pagdating nya sa pagtapak at pag hakbang nya papalapit sa pwesto ng taong mahal nya na kailan may ay hindi magiging ako.

Naranasan nyo na bang mag-mahal?

Naranasan nyo na bang mahalin?

Yung mahalin ng taong mahal nyo talaga?

Kasi ako? Oo. Naranasan ko nang mag-mahal. Ang sarap sa pakiramdam na ma-Inlove, Ngumingiti ka ng walang dahilan, Sumasaya ka ng dahil lang sa taong yun higit sa lahat kaya mong tiisin lahat para sakanya. Hirap? Sakit? Kirot? Lahat ng klase ng nakakasakit kaya mong tiiisin para lang sakanya kasi ayaw mong magalala sya. Diba dapat ganun naman talaga? Lalo na kung alam mo sa sarili mo na yung taong mahal mo sya na ang makakasama mo sa pagtanda diba?

This is it...

This is I've been waiting for a longest time...

Yung makita sya na naglalakad papalapit sa pwesto ko habang suot ang pinaka magandang damit habang suot-suot nya rin ang pinaka magandang mga ngiti habang naluha ang pinaka magandang nyang mga mata pero hindi eto nakabawas sa ganda nya dahil tanda ito nang sobrang pagmamahal nya.

Hindi ko maiwasang maluha kasi sa wakas....

Sa wakas natupad rin....

Natupad rin ang pinapangarap nyang kasal

Sa pinapangarap nya rin tao sa mundong to....

Tumigil sya sa harap ko at ngumiti kaya ginantihan ko ito ng ngiti sa huling pagkakataon.

"So Princess? This is the last time I'm calling you Princess kasi we both know na may iba ka ng Princess Charming right? I'm so happy for you Princess Dennise, At last! Your wedding dream? With your dreamgirl. Perfect right! Congrats Princess---Ugh don't mind my tears. It's just a happy tears kasi look! A few steps na lang your Already a Mrs.Galang! I love you Dennise. Congrats"

Pumikit ako at hindi ko napigilan na bumagsak ang mga luha ko. Oo, naranasan ko ng magmahal. Magtiis sa sakit? Sa hapdi? Sa kirot? Lahat yun! Titiisin ko kasi Mahal ko sya kahit pa pag mamay-ari na sya ng iba.


Agad kong pinunasan ang mga luha ko at para bang naging manhid ang buong katawan ko sa buong oras napananatili ko rito. Pikit mata kong tinaggap ang pagkatalo ko sa huli masaya parin ako para sakanya dahil natupad ang pangarap nya na makasal sa taong mahal nya. How I wish na sana ako na lang si Ara. Ako na lang ang mahalin nya pero syempre alam ko na hindi mangyayari yun dahil wala na kasal na sya.

Hindi ko namalayan na tapos na ang kasal kaya dali dali akong umalis at hindi na nakihalobilo pa sa mga picture gatherings at dali-dali akong sumakay sa kotse ko at lumayo sa lugar nagbibigay ng kasakitn sa puso ko. Paandarin ko na sana ang kotse ko ng may kumatok sa bintana ko at napa pikit ako..

"Besh, hanap ka ni Den" Sabi ni Ella pero malungkot akong ngumiti at alam kong alam nya yun.

"I'll text her na lang tara nasa reception?" Tangong sagot ko na lang ang balak ko na lumayo sa lugar nato ay napalya although aalis naman kami pero pagdating namin sa lugar ay duon rin pupunta sila Dennise at ipapamuka sakin ng tadhana na may iba nang nagmamayari sa puso ng taong mahal ko.

What IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon