[2] First Date

1.1K 37 0
                                    

Chapter II

First Date 

[MissCandyholic's Note: TFIOS Spoiler Alert]

"Wake up, sleepyhead!" Bigla akong nagulat nang biglang may bumulong sa tenga ko. "After four years, magugulatin ka pa din?"

"Shut up dude. Anong ginagawa mo dito?" I raised my eyebrow. 

"Nakalimutan mo na ba? First date natin ngayon. Yung tayo talaga. Yung seryoso." Nakatingin siya sakin wearing his serious look. After a few seconds, he chuckled.

Aba'y siyempre naman, hinding-hindi ko makakalimutan yun noh! First date ko yun sa buong buhay ko. In my 23 years of existence, ngayon lang jusko. NGAYON LANG. 

"Osiya, umalis ka na diyan, maliligo na ako. Choo!" Tinulak ko naman siya palabas ng kwarto ko. Kadadating ko lang kasi kaninang 8AM galing sa trabaho. Nagnight-shift ako eh. Tapos, nakatulog na ako simula kaninang 9AM hanggang ngayong 6PM. Napagod ako ng sobra dahil sa activity kagabi. Nakakahiya naman, hindi pa ako nakakapagtoothbrush o hilamos man lang tapos errr. So gross, Yvaughn.

Bigla naman akong napasandal sa pintuan at nagpadausdos pababa dito habang yapos-yapos ko ang unan ko. Hindi pa din ako makapaniwalang may BOYFRIEND na ako. Ganito pala yung feeling. Hay. Daig ko pang teenager. HAHA.

Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ang walk-in closet ko at kinuha ang hinanda 'kong damit kagabi. Aba siyempre, naghanda din ang lola niyo. First date niya ito eh. Haha.

Isinuot ko na ang black and white striped boat neck tee, bubble skirt in crimson at leather flats ko. Inspired by Taylor Swift ang outfit ko ngayon. Pagkatapos ay nagponytail ako ng buhok gamit ang aking ribbon na pantali. Tulad nung teenage days ko, nagspray ulit ako ng bonggang-bongga ng pabango. After nun ay kinuha ko ang aking malaking kalendaryo at tinitigan ito.

Sunday. First date! Nilagyan ko na ito ng isang malaking cross mark. HAHAHA! MalaMr. Bean ang peg ko eh. Nagcocountdown. HAHAHA.

Bumaba ako ng hagdan. Napalingon naman siya bigla sakin. HAH! 

"Ang ganda mo." 

Kilig overload! Iba yung pakiramdam kapag siya yung nagsasabi tapos, kayo na. Nag-init tuloy ang pisngi ko.

"Ano ka ba! Matagal na. Ngayon mo lang nalaman?" Biro ko naman. He grinned.

"Ang yabang mo pa din hanggang ngayon. Tara na nga!" 

Pagkalabas namin ng bahay ay dumiretso agad kami sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako dito. Gentleman talaga. :")

Actually, wala akong kamalay-malay kung saan ba ako dadalhin nito. Nakakahiya namang magtanong eh. 

"Alam mo na ba kung saan tayo magdadate?" Huh? Speaking of! Pero siyempre, dapat hindi ka magpapahalatang masyadong excited.

"Ah eh, saan ba?"

"Secret." Sabay kindat niya sakin.

Letse 'to ah?! Magtatanong tapos sasabihin, SECRET?! Tsk.

"Bibigyan kita ng first clue!" he said. After nun, inabutan niya ako ng color blue na sweatshirt.

"Ano 'to?!"

"Isuot mo na lang." Tiningnan ko yung design ng shirt at may nakalagay na 'OKAY.' na malaki sa gitna ng cloud. Napatingin naman ako sa kanyang nakasuot din ng ganito pero ang nakalagay naman sa kanya ay 'OKAY?'. 

Are you Willing to Catch My Fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon