Chapter 7

1 0 0
                                    

MIKAELLA

Hindi mo alam kung anong ginawa mo ha?!

Pwes sasabihin ko sayo babaeng mang aagaw!iniwan ako ni jasper ng dahil sayo.dahil ikaw naman daw ang talagang mahal niya at hindi ako!!

Wala akong alam sa sinasabi mo!hindi ko na kasalanan kung naghiwalay man kayo ng boyfriend mo.wag mo akong idamay sa problema niyo.sasampalin na sana siya nito kung hindi lang nahawakan ng lalaki ang braso nito.

Pareho pa kaming nagulat ni mabel ng bigla na lang nitong pigila ang braso ng huli.

Mukha atang hindi na tama ang ginagawa mo?

Wag kang makialam dito macky.inagaw ng babaeng ito ang boyfriend ko kaya bitawan mo ako.

As far as i heard.sabi mo na iniwan ka ng boyfriend mo?pero mukha naman na walang kaalam alam sa nangyari sa inyo si mika.kaya ba't siya ang pinagbubuntunan mo ng galit mo.nagulat siya sa mga sinasabi nito pero ang mas ikinagulat niya ay ang pagbanggit nito ng pangalan niya.

Siya ang dahilan kung ba't ako iniwan ni jasper ng dahil lang daw sa kanya kaya niya ako niligawan.dahil kahit ano daw gawin niyang panliligaw sa babaeng ito hindi pa rin nito pinapansin!!

Sigaw pa nito sakin at akma nanaman sana siya nitong susugurin kung hindi ulit ito nahawakan ni macky.

Wala siyang kasalanan sa nangyari sa inyo ng boyfriend mo.imbes na sa syota mo ikaw nagagalit sa iba mo ito ibinubuntun hindi magandang ugali yan.

Ilang ulit pa itong nagsisigaw ng hilain na ito ng kaibigan nitong si kristy.

Tara na mabel.pero bago ito tuluyang mahila ng kaibigan pinagbantaan pa ulit siya nito. nakaalis na ang mga ito pero nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya.

Ayos ka lang ba?
nagulat pa siya ng bigla itong magsalita.

Oo ayos lang ako,salamat nga pala sayo kanina.

Wala yun.alam ko naman na wala kang kasalanan.nakangiting sabi nito.

Nga pala pano mo nalaman ang pangalan ko?sa pagkakatanda ko kaninang umaga hindi ko sinabi ang pangalan ko sayo,

Hahaha,narinig ko lang na binanggit ni kristy ang name mo.

Ah ganun ba?umiling na lamang siya.sige salamat ulit tatalikod na sana siya ng hinawakan nito ang braso niya dahilan para mapatigil siya sa pagtalikod dito

Ngayon siguro pwede mo ng sabihin ang pangalan mo hindi ba?

lumingon siya rito saka ngumiti mikaella alvares.sabi niya sa pangalan niya hindi na siya nagpakipot pa.

Ngumiti ito at itinaas ang kamay para makipag shakehands.I'm macky fernandez.

Inabot naman niya ang kamay nito.ilang segundo rin ang itinagal ng mga kamay nila sa isa't isa bago niya ulit ito hilain.ngumiti naman ito ulit.

Pauwi ka na ba?sabay na tayo total parehas lang naman ang daan pauwi sa satin.

Tumango siya bilang pagsang ayon dito.at tahimik na silang naglakad pauwi.walang nagsasalita isa man sa kanila hindi niya alam kung anong meron at feeling niya napaka awkward ng sitwasyon nila o baka naman siya lang ang nakakaramdam nito dahil ang kasama niya pasipol sipol lang.

Nauuna itong maglakad habang siya naman ang nasa likod nito kaya malaya niyang napagmamasdan ang likuran nito.matangkad ito siguro mga 6feet ang tangkad nito,panu niya nasabi?dahil hanggang balikat siya nito at siya naman ay 5'8 ang height kaya madali niyang nasabi na ganun nga ang height nito.
patuloy lang niya itong pinag aaralan ng bigla itong lumingon kaya kitang kita nito na nakatingin siya sa may likuran nito.

Do you like what you see?

Nakangising tanong nito.namula naman siya dahil sa pagkapahiya mabuti na lang at medyo madilim sa dinadaanan nila kaya hindi nito nakikita ang pamumula niya.at dahil na rin sa pagkakahuli nito sa kanya bigla na lang niya itong inirapan at sinabing.

Pinagsasasabi mo dyan?
saka siya nanguna sa paglalakad para na rin itago ang mukha niya rito.narinig na lang niya na tumatawa ito kaya binilisan na lang niya ang paglalakad at ng nakarating na sila sa pareho nilang tinitirhan tumigil muna siya at nilingon ulit ito.

Thank you nga pala ulit sayo" macky.sabi niya bago siya pumasok sa loob ng bahay.hindi na niya hinintay ang pagsagot nito dahil sa biglang pagbilis ng puso niya ng magkatinginan sila sa mata.

Sumandal muna siya sa may pintuan nila at pinapakalma ang puso niya ng biglang magsalita ang tatay niya na mas lalo niyang ikinagulat.

Andyan ka na pala anak"

Tay!!gulat niyang sabi rito.

Oh ba't parang gulat na gulat ka diyan?at mukhang hinatid ka pa ata ng pamangkin ni albert sa harap ng bahay naten ha?may halong panunukso sa boses ng tatay niya.kaya nilapitan na lang niya ito at nagmano.

Kumain na po ba kayo tay?pag iiba niya ng usapan nila.

Oo nauna na ako narun na sa may lamesa ang pagkain mo.magpalit ka na at kumain ng makapag pahinga ka na rin.

Sabi nito saka tumalikod.huminga naman siya ng malalim ng hindi na ulit nito inulit ang tanong nito tungkol sa pagkakasabay nilang dalawa sa pag uwi ni macky.dahil ayaw na rin niyang ikwento pa rito ang nangyari sa kanya at sa engkwentro nilang dalawa ni mabel.ayaw niyang mag alala pa ito.

Dumiretsyo na siya sa kwarto niya at nagpalit ng pambahay saka inilagay sa labahin ang mga damit na isinuot niya ngayon saka lumabas ng kwarto niya para kunin muna ang lahat ng labahin niya para bukas.day off niya sa cafe bukas kaya maglalaba at maglilinis naman ang gagawin niya sa bahay nila.
pumasok na rin siya pagkatapos saka dimiretsyo sa kusina at kumain.

kakatapos lang niyang kumain at naghuhugas na siya ng mga plato
ng mapatingin siya sa bintana ng kusina nila at makita niya si macky na sumasalok ng tubig sa may bumba sa likod bahay nila mang albert.mukhang maliligo na ito hindi niya alam kung bakit  tinitignan pa rin niya ito kahit na tapos na siya sa paghuhugas ng mga plato.

Aalis na sana siya ng makita niya itong hinuhubad ang damit pang itaas nito kaya naman napatigil siya sa tangkang pag alis sa kusina at tinignan ulit ito.ang ganda ng katawan nito hindi gaanong kalaki kagaya ng mga nasa gym .pero makikita mo na alagang alaga ito dahil na rin sa may anim na pandesal siyang nakikita sa may gitnang dibdib nito.tinitignan niya bawat galaw nito at kung paano tumatama sa katawan nito ang liwanag ng buwan.

Ano ba mika!ang manyak mo ba't binubusuhan mo ang pamangkin nila mang albert parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking naliligo sabi niya sa sarili.ng may marinig siyang pagtikhim sa likuran niya.

Ahem...

Tay,!kanina pa po ba kayo dyan.?gulat na tanong niya rito.

Oo kanina pa at kanina mo pa rin ding tinitignan ang pamangkin ni albert habang naliligo.

Namula siya dahil sa sinabi ng tatay niya.
Hindi ho ha!depensa niya rito Kita niyo naman na naghuhugas ako rito.palusot pa rin niya kahit na huling huli na siya nito.

Hurting an AngelWhere stories live. Discover now