CHAPTER 8

2 0 0
                                    

MIKAELLA

Nakaupo na silang pareho ng tatay niya sa may sala nila habang nanunuod ng TV pero pakiramdam niya pulang pula pa rin ang mukha niya dahil sa huling sinabi ng tatay niya bago ito lumabas ng kusina nila.

Ok lang sa akin iha kung magkakanobyo ka na basta ba ipapakilala mo siya sa akin.saka isa pa nasa tamang edad ka naman na at kung nagugustuhan mo ang pamangkin ni albert aba'y bukas na bukas rin eh kakausapin ko na s...

Tay!!anu ba yang pinagsasabi niyo.putol niya sa sinasabi nito kung saan saan nanaman  napunta yang isip niyo.nagkasabay lang kami sa pag uwi nung tao nilalagyan niyo na agad ng malisya.!

Aba'y mabuti na yung habang maaga eh malaman na agad naten kung ano ang ugali meron ang macky na yan baka mamaya niyan pagmag asawa na kayo saka lang niya ilabas ang tunay niyang ugali.

Siguradong sigurado na sabi pa nito habang nakangiti.

Tay naman eh.!maktol na niya dahil sa mga pinagsasasabi nito.
Tinawanan naman siya nito dahil sa naging reaksyon niya.

Hahaha..binibiro lang kita anak kung titigan mo naman kasi yung tao parang matutunaw na saka siya nito tinalikuran.

Tinignan niya ulit kung saan nakita niyang naliligo si macky na ngayon ay tapos na sa paliligo at kakapasok pa lang sa loob ng bahay nila.ganun na ba ang klase ng tingin na binigay niya rito na pati ang pagdating ng tatay niya hindi na niya napansin.umiling na lang siya saka lumabas na rin ng kusina para pumuntang sala.

Anak bakit nga ba magkasabay kayo sa pag uwi ni macky?
Kilala mo na ba siya?

Akala niya hindi na ulit siya tatanungin ng tatay niya tungkol dun.pero mukhang nasa mood ang tatay niya para paulit ulit na tuksuhin siya.kaya wala siyang nagawa kundi ikwento rito ang dahilan kung bakit sila nagkasabay sa pag uwi.

Mabel yan ba yung anak nila samuel at martha?

Opo tay,siya nga po.

Ba't ka naman niya pinagbibintangan na mang aagaw?

Sabi niya po kasi ako daw ang dahilan ng hiwalayan nila ng nobyo niya"eh ni hindi nga kami close nung si mabel?yung nobyo pa kaya niya?hmm..iniisip niya rin ang mga sinabi sa kanya ni mabel naalala nga niya na niligawan siya ni jasper pero umpisa pa lang binasted na niya agad ito dahil sa ugali nito bukod sa mayabang na nga babaero pa at isa pa naman sa ayaw na ayaw niya sa lalaki ang playboy.

Iniba na lang niya ang usapan nila at ikinuwento rito ang nangyari sa trabaho niya at ang pagiging substitute manager niya na ikinatuwa naman nito.nag usap pa sila bago nila maisipan na  magpahinga.

Gumising siya ng maaga para maumpisahan na ang trabaho niya sa bahay.bago niya ihanda lahat ng gagamitin niya sa paglalaba.nagluto muna siya ng agahan nila ng tatay niya dahil maaga rin ito kung pumunta ng bukid.

Oh anak! ang aga mo naman gumising.

Magandang umaga po itay!kumain na po muna kayo bago kayo gumayak papuntang bukid.sabi niya rito bago niya sinagot ang tanong nito.

Madami na po kasi akong labahin kaya gumising na ako ng maaga para maaga rin po akong matapos.

Ah ganun ba iha o sige kumain na tayo ng parehas na tayong makapag umpisa ng mga trabaho naten sa araw na ito.

Bago umalis ang tatay niya tinanong muna niya ito kung dadalhan na lang niya ito ng pananghalian sa bukid o uuwi na lang.

Kung wala ka ng masyadong gagawin eh di dalhan mo na lang ako sa bukid para naman makapunta ka naman paminsan minsan dun at hinahanap ka na rin ng mga kabinataan doon.biro nito sa kanya.
Kayo talaga itay!!

hahaha..oh siya sige na ako'y mauuna na sayo.

Sige po mag iingat po kayo.pagka alis ng tatay niya nag umpisa na rin siya sa gawain niya.inuna muna niyang lagyan ng tubig ang batyang gagamitin niya.dito kasi sa probinsya nila hindi uso ang washing machine gumagamit lang ng mga ganung klase ng gamit eh yung mayayaman na kung mag aksaya sa pera wagas.

Bigla naman niyang naalala ang dahilan kung ba't galit siya sa mayayaman.ngunit bago pa masira ng tuluyan ang araw niya inabala na lang niya ang sarili niya sa kanyang gawain.

MACKY

Times really fly fast.hindi niya napansin na mag dadalawang linggo na rin pala siya rito sa probinsya.akala niya magiging boring ang pagsstay niya sa lugar na ito.but he's wrong he actually like the place,the people here is really nice.they treated me like i'm one of them.and me i didn't even bother to tell them who i really am,coz i enjoy what i am right now.lalo na at naging malapit na rin kami sa isa't isa ni mika mula ng pinagtanggol niya ito dun sa babaeng nang aaway rito.
pinapansin na siya nito sa twing nilalapitan niya ang mga ito kasama na ang kaibigan nitong si tina.

At mukhang mas mapapadali na ang pag diskarte niya rito.akala niyo siguro kahit na nagustuhan ko na ang lugar na ito nakalimutan ko na ang una kung balak?No freaking way!anu pa't binansagan akong playboy kung sa lugar na ito eh wala akong makukuhang babae.he smirk of he's on thoughts.nasa ganun siyang pag iisip ng tumunog ang phone niya.sinagot niya ito ng makitang si mommy ang tumatawag.

Hi!mom!

Hello!son,how are you in there?
I'm good mom!how about you and dad?

were fine son..kinakamusta lang kita kasi wala ka atang balak na tawagan kami baka kako nagtatampo ka pa rin hanggang ngayon samin ng daddy mo.?

Of course not!tumatawag ako diyan sa inyo pero sabi nila manang tulog na kayo.mahina kasi ang signal dito kaya sa gabi lang ako nakakatawag dyan.

I know son kaya nga kita tinawagan ngayon para kamustahin ka.

I'm fine mom really don't worry about me.i'm a big man remember.sabi pa niya rito kahit naman na sila ang dahilan kung bakit ako ngayon andito sa probinsya.theirs still my parents and i love them.

Nag usap pa kami ng ilang minuto bago ito nagpaalam dahil kailangan na rin nitong magpahinga.

Good night mom!

Good night son!you take care okay!

Always mom!pinutol na rin niya ang tawag at tinawagan si andrew para kamustahin ang mga ito.

Yoh"dude"what's up.!

I'm good as always.sagot naman niya rito.

Tagal mong di nagparamdam ang akala namin nasama ka na sa mga itinatanim nilang palay dyan sa probinsya.hahaha

Tawanan ng mga ito.TADO!itong gwapo kung ito pagkakamalan nilang fertilizer.no way!!bulyaw niya sa mga ito na pinagtawanan lang din naman nila.

Uwi ka na kasi dito tol!walang chicks diyan.and i bet walang nagpapainit ng gabi mo sa lugar na yan hindi kagaya dito sa manila.just look around and you can get a girl that easy.

Tama ang mga ito dalawang linggo na rin na walang babae siyang nakakatabi.when he's still in manila almost every night kung mag uwi siya ng babae sa condo niya.

That's where your wrong guys!i have this girl here.

Hurting an AngelWhere stories live. Discover now