Chapter 03: Mall Trouble

118 14 2
                                    

"Can you please explain to me what happened?!" Bulyaw ng punong guwardiya sa dalawang grupo ng mga kababaihan na ngayo'y tahimik habang nakaupo sa magkabilang parte ng kanyang opisina.

Napatikhim naman ang guwardiya at tila ba'y naghihintay ng sagot mula sa mga dalaga. Pero imbes na sagot ang isukli ay tinignan lang siya ng mga ito. Mga wala silang imik pero ang mga mata ay tila nagbabanta. Lalo na ang babaeng nakasuot ng puting blouse na tila ba ay papatayin ka nito sa tingin.

Siningkit niya ang kanyang mga mata at tila ba'y inaaninag nito ang buong mukha ng nasabing babae. Nanlaki ang mga mata nito at napasinghap sa gulat nang mapagtanto kung sino ito. Agad siyang napatuwid sa pagkakaupo at akmang magbibigay galang na sana ng bigla siyang sinenyasan nito na tumahimik. Tinikom nito ang kanyang bibig at nanahimik.

Nagtagisan ng tingin ang dalawang grupo ng kababaihan. Tila ba'y may lumalabas na laser sa mga mata nito na maaring makapatay. Ilang sandali ang lumipas at ganun pa rin ang nangyayari.

"What are you ugly froglets looking at?" Pambasag ni Rose sa katahimikan. Matalim niyang tinignan ang mga ito mula ulo hanggang paa. Napangisi na lang ito ng mapanguyam at tinignan ito deretso sa mata.

"Kokak."

Namula naman sa inis ang mukha ni Dona, lumaki ang butas ng mga ilong nito na animo'y may usok na lumalabas rito. Hindi niya matanggap ang sinabi nito sa kanila na siyang naging rason para pumatol siya sa mga ito, without her knowing na iyon talaga ang plano ni Rose; to see her go mad and run amok.

"How dare you mock at me?! You filthy poor rats!" Bulyaw ni Dona sa mga ito. Bigla namang pumantig ang tenga ni Nicole dahil sa narinig. Napangisi ito at tumayo sa kinauupuan. Dahan-dahan itong lumapit sa tatlong palaka at napatawa ng mapakla.

"Sorry ha?! Hindi kasi kami mayaman eh. Sino ba kayo ha? Kung makaasta kayo parang kayo ang may ari ng mall na ito. Tch, you ambitious liar." Saad ni Nicole na siyang ikinangisi ng kanyang mga kaibigan. Hindi naman nakapagsalita agad ang grupo ni Dona. Tila bang tinanong ang sarili kung ano ang sasabihin at kung magpapalabas ng kasinungalingan; kasinungalingang tiyak na malalantad.

"Ako nga ang may-ari ng mall. Bakit may angal kayo?" Labas sa ilong nitong sabi. Iyon lang naman ang gustong marinig ni Nicole, ang kasinungalingang na mas malinaw pa sa mga pagmumukha nito at ng kanyang mga kaibigan. Agad din naman siyang bumalik sa kinauupuan at tumingin sa mga ito.

Napakagat na lang sa labi si Dona at pinagkrus ang dalawang daliri, hoping na maniniwala ang mga ito sa kanyang sinabi. Too bad, hindi.

"Are you sure na ikaw ang may-ari ng mall na ito?" Seryosong tanong ni Ann sa kanya habang hindi siya nilulubayan ng tingin.

"O-Oo. I'm s-sure." Nauutal na sagot nito.

"Well, you don't look like one though." Hindi naman kaagad nakasagot si Dona at tumigin sa kanyang mga kaibigan na tila ba'y humihingi ng tulong sa mga ito.

"ANO BA?! BA'T AYAW NIYONG MANIWALA! SIYA NGA EH! BA'T ANG TIGAS NG ULO NIYO!" bulyaw ng isa sa mga kaibigan ni Dona kay Ann.

"Ey! Calm your horses. I was just asking. No need to be defensive." Ngising sabi ni Ann.

"Yaass gurl~ Hindi niyo naman kailangang magdahilan diba? You're the mall's owner afterall." Dugtong naman ni Nadine. Natameme naman ang magkakaibigan at hindi alam ang gagawin.

"Sino ba kayo?" Mahinahong tanong ni Gail sa mga ito.

"Ako si Don-"

"Not you." Pamputol na saad ni Gail dito.

"Bona Kaido." Sagot ng babaeng sumigaw kanina.

"Acting tough ey?" Pang-uyam ni Rose sa kanya. Napairap na lang ito at kinuyom ang kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanga Na Barkada Versus Ulol Na ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon