Chapter 12 :(

14 0 0
                                    

Abiona's POV

past forward muna tayo.....

"AAAHH!!!, YAAH, HOOH!< HHAAH!! YAHH!!"

O__________________O ---si Erin yan. panung hindi magiging ganan ang hitsura nya, eto ako.. nagsasasayaw na parang engot dito, para akong si pacman na nag sha-shadow boxing lang. tss

panu bang hindi, nakaka inis talaga, salahat naman ng school na papasukan ng dalawang monster na un, bakit sa school pa kung asan ako!!??? ggrrrrrrrr...

:((

"WAH!, yahh!!! HUUHH!"

"ABBBB----------------IIIIOOOO----NNAAA!!!"

O______O --ako yan.

Napahinto naman ako dun sa sigaw ni Erin.

bluwbluwbluw (iling iling iling) :(

"HOY!"

O_O -- hinto sa pag iling at naka mulaga na naman ako skanya. Si erin, sinisigawan ako?, hmm..

"problema?" tanong ko sakanya

.

"IKAW!"

"AKO??????"

"UO, IKAW!"

"tss. anu ginawa ko sa'yo."

"yAH ka jan ng yah.. anlikot likot mo, ang ingay ingay!, anu ba kasi problema mo??ha, abiona???!", galit na ba siya nyan?,..

"kasi naman, sa dinami dami ng school bakit dun pa pumasok ang mga monster na yun??" ,naiinis kong sagot skanya.

"magtaka ka!,eh isa sila sa may ari ng school na yun." , ha?, anu daw?..isa sila sa may ari?, at panu naman nya nalaman?

?_____? --ako yan..

"panu ko nalaman?" , naks.. mind reader na si Erin. gora girl, mas mabuti nang hindi na ako magsalita.

(tango tango tango)

"narinig ko lang dun sa classmate naten kanina"

"ahhh.."

"saka bakit ba a-bes, eh di ba sabi mo crush mo un, bakit ngayon ayaw mo na.?", waaahh!!!, uo crush ko nga siya dati nung hindi ko pa alam na minanyak ako ng gagong yun.. waH!!!, ayaw ko na isipin ,.huhu

"hoy!, hitsura mo, bakit parang nakalunok ka ng ampalaya. ampait!,hahah"

"aiy,tawa", kainis..kung alam lang nya.. grr... :(

Ethan's POV

"pag gising mo kakainin mo 'to ah.. di ba favorite mo 'tong green apple ate"

"hinanap ko pa yan kung san"

"tapos ang mahal mahal pa nyan, naubos ipon ko..hahah"

sinong kausap ko?, yung kapatid ko. Andito ko ngaun sa ospital. Tama. Naka confine siya ngaun dito. Matagal tagal na din, ilang months na rin mula ng umuwe ako dito sa pinas simula ng tawagan ako ni dad, at balita ang nangyare kay ate.

Lagi ko siya dinadalaw dito, binabantayan ko siya. Close kami ng ate kong ito, ang bait bait nya, halos siya na ang nag alaga sken simula bata kame, mas close pa nga kami kesa sa dad namin. Kaya naman sobrang masakit sken na makita ko sya ngaun na nakahiga sa loob ng puting kwartong ito, habang naka oxygen, walang malay, at hindi ko alam kung kelan siya ulet magigising.

<eeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkkkkkk> tunog ng nagbukas na pinto.

"anyong haseyo" --si Elixir

"ey"

"how is she?"

"ganun pa din"

Lumapit sya sa may kama ni ate and then she kissed her on her cheeks, close din sila ni ate. Balita ko simula nun umuwe dito sa pinas si ate, lagi sila nagbobonding ni Elixir, mabait daw kasi si Elixir at cute, parang ako. :)

Naupo na sya sa isang chair sa tabi ng kama ni ate. Magkaharapan kame ngaun, habang ako e nasa tapat ng left hand ni ate, siya naman sa may right.  gets nyo ba?, basta magkaharapan kami, habang pinag gigitnaan namen si ate. Imaginin nyo na lang.

tuloy lang ako sa pag babalat nung green apple. madami dami na din ako nabalatan, 3 o 4 na, bukod pa yung hawak ko. Ewan ko ba, alam ko naman na hindi ito makakain ni ate, pero mas magaan sa loob ko ang magbalat nito habang binabantayan sya. adik lang. hehe.

"andami ko na naman kakainin nyan" si Elixir. uo nga, sya ang kumakain ng lahat ng binabalatan kong apple,tuwing pupunta sya dito.

"tss, ohh.." sabay hagis ko sa kanya ng hawak kong mansanas. sinalo naman nya.

May nagsalita sa labas ng pinto ng room kung asan kami ngaun. Si dad yun, parating na siya.

“bye bro.. thanks sa apple”, sabay tayo at tumalon sa may bintana si Elixir.

Hindi kasi magkasundo si Elixir at si dad. Ewan ko ba, sobrang mag kaiba silang dalwa, lahat ng bagay pinagtatalunan nila.

“son,”

“dad”, nag bless ako sknya, saka siya lumapit kay ate, at tinitigan ito.

“maayos naman daw po si ate sabi ng doctor, physchological reasons lang kaya hindi pa siya gumigising”

“kung alam ko lang na ganito ang mangyayare, sana….”

Katahimikan….

Hinintay ko ang mga susunod na sasabihin ng daddy ko, pero wala. Lagi nya yan sinasasabi, na kung alam daw nya na ganito mangyayare, sana….. sana… sana…..

Puro sana, pero hindi nya maituloy. Hindi ko alam kung anu ang sana na iyon. Alam ko wala naman siyang kasalanan sa nangyare. Isa lang naman ang may kasalanan. Hindi si dad. Hindi ako. Hindi si Elixir. At lalong hindi si ate. Isa lang. at gagawa ako ng paraan para mapagbayaran nya ang ginawa nya sa ate ko.

Waiting for nothing (my everything)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon