Pinoy Hugot Lines 38

27 0 0
                                    


Bakit madaling mag-sawa ang mga lalaki?

Simple lang, dahil napapagod din naman sila. Napapagod umintindi, napapagod maglambing, napapagod umunawa. Hindi naman kasi purkit mahal ka ng isang lalaki, kailangan lagi mong subukin ang pasensya niya kung hanggang saan niya kayang i-handle ang mood swings mo. Hindi rin naman kasi sa lahat ng bagay palaging lalaki ang mag-aadjust. Oo, siguro nga ang topakin ng mga babae at yun ang kailangan unawain ng mga lalaki. Pero tandaan niyo may hangganan lahat ng tao. Huwag mo naman kasing abusuhin purkit alam mong mahal ka. Dahil ang isang bagay na paulit-ulit nangyayari nakakasawa talaga, nakakapagod. Kaya kapag ang lalaki na nakilala mo noon na nilalambing ka kapag nagtatampo ka ay nagbago atnag-iba, kabahan ka na. 

Pinoy Hugot Lines (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon