Bakit kailangan mo nang bumitaw?
Simple lang, kasi hindi na nagfu-function ang relationship niyo. Hindi na kayo yung tulad ng dati na masaya kapag kausap ang isa't-isa. Hindi na kayo yung tulad ng dati na hindi natitiis ang isa't-isa. Nagagawa niyo nang mapag-awayan kahit maliliit na bagay. Nagagawa niyo nang iwanan sa ere ang isa't-isa. Wala na. As in, wala na talaga talaga. Ang cold na ng relasyon niyo. Nagbago na kayo sa isa't-isa. Kaya bakit ka pa lalaban kung wala ka naman nang ipinaglalaban? Bakit mo pa pipiliting kumapit kung nasasakal ka na at nasasaktan? No choice ka na, kaya minsan kakailanganin mo nang bumitaw.