Jasha’s POV
Kakauwi ko lang pero busy-busyhan na kami ni Daddy, super excited siya sa wedding ko, samantalang ako eh halatang napipilitan lang sa mga nangyayari, ni hindi ko pa nga alm kung sino yung “mystery groom” ko eh. DUH. Kaya nga mystery eh. Nag pi-prepare na kami ngayon sa kasal, ang motif namin is may touch of fuchsia pink sa gown tapos sa groom naman eh may touch of turquoise, gagawin ata kaming rainbow nila daddy eh, kung ginawa niya na lang apple green? Kung sinunod nila ang favorite ko edi ayos sana. Pati sa invitation hindi nakalagay yung name ko at yung name ng groom. Alam niyo ba kung ano nakalagay? Here it goes: You’re invited at the wedding of the year, Call us for more information. [/font][/size] Sinong hindi mababanas diba? ARGHness! Tinanong ko naman si Dad kung bakit ganun? Para kasing classified ads diba?! Nahihibang naba talaga ang tatay ko?! Balita ko pa hindi uuwi si kuya sa kasal ko! Ano pa bang gagawin nila na hindi ko ikakainis?! Hindi ko kilala kung sino-sino yung sponsors, abays, ring bearer, flower girl at ang mga guests! Alam niyo kung ano sinagot ng tatay ko sa mga tanong ko? Aba’t ganitong sobrang nakakabanas: “Para may thrill naman ang buhay mo, Jasha.”Thrill-thrill. Thrill-thrillin ko muka niya eh. Oopss! Dad ko pa rin siya, wag awayin. Ang ikinatatakot ko eh baka andun din sa wedding si Rixx! Kasi sabi ni Dad eh baka lahat dawn g popular sa school at kakilala ko ay invited! Pano nab a ito? Mag ala run away bride ba ako? Baka atakihin naman ako sa plano ko,, ayoko pang mamatay. “Best friend, sa Monday nap ala ang kasal mo.” Nandito nga pala si Jecka kasi in case daw na mag tantrums ako eh siya ang tutulong sa kanila kasi alam niya ang lahat ng favorites ko. “Oo nga eh, Saturday na ngayon, ilang days na lang at maikakasal na ako kay “mystery groom”. Sana naman hindi siya talaga katulad ni Rixx.” “Ano ka ba, mabait na tao naman si Rixx, magulo lang at times. Sige ka, kaka-cuss mo diyan kay Rixx eh karmahin ka bigla.” “Eh ano namang gusto mong gawin ko?! I-praise siya ng todo-todo?! Hindi pa ako nasisiraan para gawin yun!” “Ano ka ba, Jasha! Hindi mo baa lam na todo-todo yung paghahanap niya sa’yo sa school, at kumalat na yung balita na pinahiya niya yung Johanna sa buong klase nung girl, pinag tanggol ka niya sis! And sinabi niya pa na he’s gonna protect you from her evil deeds!” “Sinabi niya yun?” “Uh-huh. Kaya forgive and forget na. Bawal pa naman sa’yo ang may kinikimkim diba?” “Sige na nga! Kung hindi ka lang makulit eh!” Niyakap naman ako ni Jecka. Ang sarap talaga magkaroon ng understanding na best friend. “Sis, baba lang ako dun sa kitchen niyo kasi nagugutom na ako eh, naubos na nung wedding planner yung merienda natin.” “Sige, antayin kita ditto, bilisan mo kumuha ah!” Jecka’s POV Nakakatuwa talaga si Jasha, she didn’t notice na habang nag uusap kami eh ang pula-pula niya, I think she feels something towards Rixx. Matawagan nga mamaya si Aste para sabihin ang improvement pero syempre hindi ko ipapasabi kay Rixx no! Tama! Tama kayo sa iniisip niyo! Tinutulungan ko si Rixx na magkasundo sila ni Jasha. Sayang at cute pa naman sila together, kung hindi lang talaga ikakasal tong si best friend eh imamatch make ko talaga sila! Bagay na bagay kasi talaga si— “Ready na ba ang anak mo para sa wedding nila ni Jasha?”Si tito yun ah! Hindi ko maiwasang mag eavesdrop dahil yung conversation ay involve si best friend at si “mystery groom”. “Ang anak ko? Ready na siguro yun kasi araw-araw kong pinapaalala sa kanya, Mr Lauchengco.” Lauchengco? May kilala akong Lauchengco pero hindi ko ma re-call! Sino ba yun? “Ano nga pala ulit pangalan ng magiging son-in-law ko?”Tama, tito. Itanong mo at banggitin mo para malaman ko! “Aba’y pangalan pa lang eh ang gwapo na ng dating!” Ano daw name, tito! “Oh, sige bye na kumpare, pupuntahan ko na kayo sa bahay niyo—“ hindi ko na tinapos yung conversation nila kasi naman hindi binanggit ni tito yung name eh… “ikamusta mo ako sa future-son-in-law ko na si Rixx Edcel ah…bye!” Wata-what?! RIXX EDCEL LAUCHENGCO?! Tama ba ang narinnig ko? Si Rixx? Is this what I called KARMA ni JASHA?! Rixx’s POV Kamusta na kaya si Jasha? Nung last na punta ko sa hospital eh nakauwi na siya. Hindi niya pa rin ako pinapansin nung mga nakaraang dalaw ko, sabi nga ni Aste eh ang gloomy ko daw paglumalabas ng hospital, eh bat nga ba ako gloomy? Ano ba talaga sakin si Jasha? Wala naman eh! Siguro kasi friend na turing ko sa kanya kaya nagkakaganito ako. Gloomy din siguro ako kasi sa Monday na ang kasal. Sa Monday na mag uumpisa yung 100 days contract, ang pangit naman ng record ko sa gobyerno, ilang taon pa lang ako magkakaroon ako ng annulment pagkatapos ng 100 days. Nabasa ko na lahat ng tungkol sa motif ng kasal at invitation. Pero hindi ko pa rin alam kung sino ang “mystery bride” ko. Makakayanan ko kayang halikan yun? Baka naman wala pa sa kalingkingan ng kagandahan ni Jasha yun, oops! Ano ba itong pinagsasabi ko. “Dad, ano ba kasing pangalan nung mystery bride ko?” “Sige na nga, sasabihin ko na.” “Yown! Good. Sino na, Dad?” “Edi si… secret!”
BINABASA MO ANG
100 Days For Her Happiness...
Teen FictionMay sakit sya pero ipapakasal sya para daw maramdam nya ang pagmamahal at magmahal sya ano kaya ang mangyayari sakanila... Abangan...