Jasha’s POV
3 days na ang nakakalipas at, yup! It’s Monday today… Ngayon na ang “wedding of the year”, ngayon ko na rin makikita si “mystery groom”. Nasa harapan ko nga pala si Jecka, at nululuha ang bruha, mini make-upan nga pala ako ngayon at naka robe pa lang. Kahapon lang nag practice ng kasal at pati sa practice eh iba ang kapartner ko! Proxy daw yun kasi kailangan surprise daw! Ano ber! Pagod na ako sa mga surprises na to ah! “Sis, papano kapag katulad ng ayaw mong guy yung mystery groom mo?” “Bat mo naman natanong yan? Bakit may alam ka ba tungkol diyan sa pesteng mystery groom ko?” “Wa-wala, I mean, papano mamayang gabi?” “What’s with mamayang gabi?” “You mean hindi mo alam ang mangyayari mamayang gabi?” “Like DUH! Magtatanong ba ako kung alam ko?” hinawakan ko ang ulo ko dahil sa perwisyong hated ni Jecka. “Ako pa ang di-na DUH-DUH mo! Tonight is for the newly weds! In short, HONEYMOON, babeh!” O_o O_O “Ho-honeymoon?” “uh-huh.” ”ARE YOU SERIOUS?! Rixx’s POV Ngayon na ang araw ng paghaharap naming ni mystery bride ko. Pa secret-secret pa kasi tong si Dad eh, akala mo magmumuka siyang bagets. Basta bwiset. Nandito na nga pala yung mga bading na mag aasikaso sa pag style ng damit ko ngayon pero syempre nandito si Dad at Aste. “Anak, labas lang ako saglit, may important phone call ako.” lumabas si Dad. “HOY, mga bading, kilala niyo ba yung bride ko? Diba kayo yung nag ayos sa kanya?” “Kami nga po, Sir. Bakit po?” “I-describe niyo nga sa akin yung hitsura.” tatakbo talaga ako kung kamuka ng aso naming yung babaeng yun. “Naku, Sir. Bagay na bagay kayo! Chinito ka, chinita siya, tisoy ka, tisay siya, maganda siya, gwapo ka.” “Talaga? Alam mo ba ang pangalan niya?” “Opo. Sobrang kakaiba nga eh.” “So, ano nga?” ”Ja—“ na interrupt yung bading kasi biglang umentra yung tatay ko. “Ready na ba ang lahat? Bilisan niyo na at kumpleto na ang lahat ang groom at bride na lang ang kulang.” Binantayan kami ni Daddy, siguro narinig niya kaming nag uusap. Nandito na kami sa may church kung saan gaganapin ang kasalan of the year. Bigla naming lumapit sa akin si Aste. “Pano yan mamayang gabi?” “Ano ba meron mamaya? Gabi ba yung reception?” napahawak sa noo niya si Aste. Teka, ano bang meron mamayang gabi? Ano bang gagawing importante mamaya at parang super affected si Aste dahil hindi ko alam?! “Hindi mo talaga alam?” “Hindi nga eh, ilang beses ka ba inire ng nanay mo?” “uhm, honeymoon? Remember?” *COUGH! COUGH! COUGH!* “Are you serious?!” Jasha’s POV Nakarating na yung kotse at nag uumpisa na raw yung march ng kasal. “Una na ako sa labas ah, good luck sa wedding!” Good luck talaga… “Ready ka na, anak?” “Ask me again and I’ll change my mind.” ngumiti lang si Dad at lumabas na ng kotse, Breathe in, breath out… Rixx’s POV Earlier… Bumukas na yung pinto, Ako yung unang nag-lakad sa aisle… Nagtinginan lahat ng tao sa akin, lahat sila shock sa nakita nila, Ako pala ang “mystery groom”. I saw my friends, Johanna and her friends, the school’s principal and business partners ni Dad at marami pa akong hindi kilala, si Aste nandito pero yung mag best friend wala… Naglakad na ang sponsors, abay… Teka si Aste yun at si Jecka ah? Ang alam ko si Aste ang best man ko, pero bakit si Jecka ang maid of honor? Baka naman pinsan niya or ka-close yung “mystert bride” ko, invited kaya si Jasha? Jasha’s POV ”Daddy, bat naka-close yung door? Nasan na yung flower girl? Diba dapat nasa unahan ko yun?” “Nandun siya sa may kabilang side ng pintuan, maglalakad siya pagkabukas ng pintuan.” “Hindi ba talaga hahabol si kuya? Kasal ko na tapos wala pa siya…” “I’m sorry, anak. Tara na?” in-offer na niya yung braso niya at syempre tinanggap ko na… And the door is slowly opening and the song starts to play…
BINABASA MO ANG
100 Days For Her Happiness...
Teen FictionMay sakit sya pero ipapakasal sya para daw maramdam nya ang pagmamahal at magmahal sya ano kaya ang mangyayari sakanila... Abangan...