Prologue

39 3 0
                                    

8 Years Ago...

(July 15, 2010)

"P-papi, Kuya,  d-do you think k-kaya ko po t-to?" Sabi ng isang cute at inosenteng Jillie sa kanyang Papa at Kuya habang patungo sila sa kanyang school.

"Jillie," Lumuhod ang kanyang Papa "Napagusapan na po natin ito diba? Of course you can do it kiddo! Tsaka, one month ka na sa school na 'to, hindi naman po pwede na lagi ka lang umiiyak pag may lumalapit sayo. Kaya make friends na ha, okay?" Panghihikayat niya pa sa kanyang anak.

"Di naman po yun P-papi eh, n-niaasar at nit-treat p-po nila ako na parang girl." Nakangusong tanong ni Jillie sa kanyang Papa.

Nagulat ang kanyang Papa sa sinabi ng kanyang anak. pero ang kanyang kuya, si Ethan Gray, 

"I told you Papi, hindi po siya umiiyak kapag may lumalapit po sa kanya. One time I heard their conversation with Jillie...

-Flashback-

Gray's P.O.V.

Hay! Ang saya talaga ngayong araw. Nakita ko nanaman si Lynd! Pero natatakot ako pumunta sa kanya kasi inaaway nya yung mga kaklase kong kinakamusta siya. Nakakatakot diba? Pero these days, kakausapin ko na siya. Bibigyan ko siya ng strawberry-flavored marshmallows and ice cream. 

Ngayon, papunta ako sa room nila Jillie. Habang papalapit ako sa room nila, nakita ko ang kapatid kong  pinalilibutan ng apat niyang kaklase. Pinakinggan ko ang kanilang sinasabi sa aking little brother.

Lumapit ang mukhang pinakamabait sa kanila kay Jillie.

"Hi Jill! Why are you  so adorable?" Masayang sabi niya sa aking kapatid.

"H-hello...?" Tugon ni Jillie sakanya sabay tingin sa baba.

"Ang cute mo talaga!" Dagdag niya pa. 

"Can I hold your hand?" Sumunod na sabi ng mukhang pinakasweet sa kanila.

Di sumagot si Jillie. Nakikita kong paiyak na siya at nahihirapan siyang sagutin ang mga tanong nila. Eleven years old palang ako pero di naman ako ganyan katulad nila noong Eight years old palang ako!

"I want to hug you!" Sabi ng pinakamakulit sa grupo nila.

Tumingin ako sa pangapat na miyembro nila. Siya yung pinakamay-itsura sakanila at pinakamaangas sa kanila.  Nagtataka ako dahil di pa rin nagsasalita. Ginawa ko iyong cue para pumunta sa kinatatayuan nila ngunit biglang nagsalita na ang lalaki. Ang mga binitawan niyang salita ay ikinagulat ko ng sobra.

"Akin ka lang Chavee, okay?" Malambing ngunit mararamdaman mo ang pautos na pagsabi nito kay Jillie.

Nang dahil sa mga sinabi niyang yun, lumapit na ako sa kanila. Noong nakita ako ni Jillie, tumakbo siya at niyakap ako. 

"Mga kaklase ni Jillie, ano bang pinagsasabi niyo sa kanya? Diba mga lalaki kayo? Tsaka, mga bata pa kayo, tayo, wag muna ayan yung isipin niyo!" Sabi ko sa kanila.

"Hi po Kuya ni Jill! Ang cute po kasi niya. I think crush po namin siya. Jill, I will tell mommy na bibigyan  kita ng madaming marshmallows bukas, okay?" Masayang tugon ng pinakasweet na kagrupo nila. Tumalikod siya sa'min at humarap sa mga kagrupo nya "Balik na tayo sa car, guys! Bye Jill and Kuya?" Paalam at pagtatanong niya sa akin ng pangalan ko.

"Gray. Kuya Gray." Pagsagot ko sa tanong niya.

"Bye Kuya Gray! Alagaan nyo si Jill!" Sabi niya at tumakbo na sila palayo sa amin.

"Okay ka lang ba Jillie?" Tumango siya. "Kung gan'on, tara punta na tayo sa sasakyan, kanina pa ata tayo hinihintay nila Papi and Mommy! Paunahan ha?" Ngumiti siya at tumango ulit. 

"Go!" Masayang sabi ko.

-End of Flashback-

"Mga bata pa kasi sila. Sa tingin ko naman 'di  pa nila pinagiisipan ang sinasabi nila." Sabi ng kanilang papa. "Hala! Malalate na pala kayo oh! Dali na, punta na kayo sa classes niyo! But before you do that, where are my kisses?" 

Natatawang binigyan ng dalawa ang kanilang papa ng halik sa pisngi.

"Oh ayan Jillie, okay ka na po ha? Apir!" Masayang ulat ng kanyang papa.

"Opo Papi! Bye!" Tumungo na ang magkapatid sa kanilang mga klase.

Habang naglalakad ang magkapatid sa hagdan, may narinig silang maingay na boses ng mga estudyante.

Palapit ito ng palapit sa kanila at...

Nasagi at nahulog si Jillie.

"Jillie!"

.

.

.

.

.

Hi guys! This will be my first time writing a story. Sorry po kung may mga mali maling term kasi di pa masyado malawak yung skills ko sa paggawa ng story. But, I hope you'll like it! May God Bless us abundantly!










Hey, BOYFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon