Hey! 2

21 1 0
                                    

"Aray!" Malakas na sabi ko sa nakabunggo sa'kin na ikinatahimik ng cafeteria. Pagtingin ko kung sino ang nakabunggo sa'kin, nakita ko si Hansol Craig Ford. Siya ang nakabunggo sa'kin! Masasabi kong sikat siya dito dahil siya ay matipunong lalaki, at kasama siya sa Basketball team ng school.

Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ni Ford, mukhang Dad niya ata.

"Hansol! You don't need to run! I just wanted you to be with-" Naputol ang sinabi niya ng lumuhod at nagsalita si Ford sa harapan ko. Di ko kasi alam kung anong tatawagin ko sa kanya kaya apelyido nalang. Hehe.

"Hey, boyfriend ko!" Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako kaso pinanlakihan niya ako ng mata at ibinulong niya sa'kin "Pakisamahan mo ako!".  Ah! Mukhang alam ko na yung ginagawa niya.

 "Babe! Ang sakit oh!" Nag-pout ako at itinuro yung masakit sa'kin. Ang sakit kasi talaga ng hita ko nakakainis!

"Hala! Sorry honey! Hinahanap kasi kita para ipakilala kay Dad," Nilakasan niya talaga yung boses niya para marinig ng Dad niya. 

"Mukhang masakit pagkakahulog mo babe. Do you want me to kiss it first before I carry you to the clinic?" Sweet na pagsabi niya sa'kin.

"Sige baby! Ang sakit kasi talaga eh." Pabebe kong pagtugon sa sinabi niya.

Namula ako ng hinalikan niya talaga yung hita ko! Lord, 'di ko naman po inaakala na ganun yung mangyayari jusko! Sasakalin ko talaga to mamaya! Di naman kami magkakilala pero ginanon niya ako! Argh!

"Ayan! Dali! Sumakay ka na sa likod ko." Nginitian niya ako.

Sumakay na ako sa likod niya. Nang nasa likod niya na ako, humarap siya sa kanyang Dad.

"Dad, this is my boyfriend, kaya nga sabi ko sa inyo diba, 'di ko na kailangan na ilakad niyo ko sa anak ng co-worker niyo, kasi I'm in love with someone na, and it is my boyfriend. What you saw, is a proof that I really love someone and that it's not like I don't want to accept your offer." Proud na sabi niya sa kanyang Dad.

"Kung ganon son, sige." Sabi ng kaniyang Dad at tumingin sa'kin. "Anak, yang boyfriend mo, ingatan mo yan ha! Sabi kasi ng mga ex niyan sa akin, masyadong seloso yan. Lagi mong iintindihin yung mga tantrums nyan, spoiled kasi yan!" Dinilaan niya ang kanyang anak na dahilan kaya bumawi rin ang kanyang anak sa kanya. 

Hala, may gano'n? 

 "Siguro mahal na mahal ka niyang anak ko. Nakikita ko kasi sa mga ngiti niya eh. Tsaka ngayon ko lang siya nakita na may kasintahang lalaki." Dagdag niya pa.

"Syempre po tito! Ako po, love na love ko nga po 'tong anak niyo!" Kinurot ko siya nang napalakas 'di lang dahil pakikisama ko 'yun, kung 'di dahil rin isinama niya pa ako sa problema niya.

Kahit na mukhang nasaktan talaga siya, ngumiti nalang siya at nagpaalam na sa Dad niya.

"Dad, bye na po, Pag-usapan nalang natin 'to mamaya sa bahay. Okay?" At naglakad na si Hansol habang bitbit niya ako papalabas ng cafeteria. "Babe, mamaya bibili tayo ng fries at ng shake ha? Wag ka nang umiyak!" Natawa na lang ako kasi akala niya na paiyak pa lang ako pero namumula parin ang mata ko kasi kaiiyak ko lang kanina.

Nang makalayo na kami, binaba niya na ako. Magsasalita pa lang siya kaso inunahan ko siya.

"Hay! Nakaalis na rin 'don. Salama-"

"Anong salamat! Salamat mo mukha mo! Dinadamay mo pa ako sa problema mo!" Mataray na sagot ko. Sino ba siya? 

"Kailangan ko kasi gawin yon. Buti nga pinagtiyagaan pa kita diyang gawing fake boyfriend." Mayabang na sagot niya. Ang kapal naman ng mukha nito!

"Napakayabang mo naman! 'Di ka naman gwapo! Nakakainis ka ha! Bakit kailangan mo pa kasi gawin 'yon sa Papa mo?" Inis na sabi ko.

"Ayoko kasi na pinapair up niya nalang lagi ako sa mga anak ng katrabaho niya. Pwede naman ako yung maghanap ng makakasama ko sa buhay 'di ba?" Sabi niya sa'kin.

"Edi sana di ako yung hinanap mo para tulungan ka diyan. Nako, pag ako talaga pinag-chismisan lagot ka talaga sa'kin! Birthday na birthday ko sinestress mo ko ha!" Giit ko.

"Kanina ka pa ha! Bakit ka kasi pumayag na makisama?!" Laban niya. Baliw ba 'to?

"Baliw ka pala e 'Di ba sabi mo sakyan  kita para makita ng Papa mo na tayo talaga?!" Palaban ko ring sabi.

"Oo na! Basta kailangan kita makasama lagi araw araw! Tsaka i-expect mo na sa Sabado na magdidinner tayo kasama ang pamilya ko. Kapag may kasintihan" Sabi niya.

"Ayoko nga, sino ka ba para utusan ako?!" Sino nga ba kasi siya para gawin yon sa'kin?! Duh.

"Sa ayaw mo man o gusto, magiging boyfriend kita, okay?" Ano ba 'tong gunggong na 'to! Nakakainis!

"Bahala ka jan sa buhay mo, 'di ko gagawin yung sinabi mo!" Tugon ko sa sinabi niya. 

Bahala nga siya, aalis na lang ako! Naglakad na ako palayo pero may nakalimutan ako. Binalikan ko siya. "Wait lang!" Sabi ko.

"Bukas, sa foodcourt ng school. 3:00 P.M. Shake and fries ko." Ngitian ko siya at tumalikod, pero humarap ulit ako sa kanya para sipain yung tuhod niya pero iba yung natamaan ko! Hala! Okay lang yon! Bagay sa kanya.

"See you." Kinindatan ko siya at naglakad na papalayo habang siya hawak hawak yung magpapatupad sa pangarap niyang magkapamilya, sumisigaw sa sakit.

"H-happy birthday!" Narinig kong sabi niya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey, BOYFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon