Hey! 1

26 3 0
                                    

-Present-
July 16, 2018

Nasa classroom ako ngayon, kasama ang partner ko sa Chemistry, si Chris.

"Oh Jill, bukas nalang natin pagusapan yung sa activity natin bukas ha? Kailangan ko na kasing umuwi. Maligayang kaarawan!" Nginitian niya ako.

"Salamat Chris! Bye." Paalam ko sa kanya at dumiretso na ako sa mga kaibigan kong naghihintay sa akin.

Nang makalapit na ako sa kanila, kinantiyawan ako nina Liam, Mandy, at Nigel.

"Uy ikaw ha, di namin alam crush mo pala si Chris!" Halos sabay na sabi ni Liam at Nigel.

"Baliw! Kaklase ko lang yun sa Chem. Sam! Inaasar nanaman ako nila" Pagsusumbong ko sa kanila. Pero tinignan lang ako ni Sam, at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang canteen.

"Kaklase nga lang ba talaga? Pero nung nginitian ka, parang matutunaw ka na!" Pangaasar sa akin ni Mandy. Bruha talaga to eh. Di ko naman kasi talaga gusto yung si Chris. Aamin ko, pogi siya, pero di ko siya type, kahit na sikat siya sa school namin.

Patuloy akong inasar ni Liam hanggang sa makapunta kami sa cafeteria. Dahil sa sobrang naiilang na ako sa pinagsasasabi niya, humarap ako sa kanya.

"Ano ka ba Liam! Nakakainis ka naman eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit ka kasi kinikilig Jill? Alam mo naman joke lang yung 'di ba?" Natatawang sabi ni Liam.

"Tsaka Jill super bagay kayo ni Chris like OMG!" Patiling sabi ni Mandy. Nako, tumigil na kayo kanina, pero sumama nanaman kayo sa kalokohan ni Liam?!

"Jill, aminin mo na kasi! Hahahaha!" Sabi ni Nigel habang natatawa.

Tinignan ko lang sila ng masama. Lagi  na lang akong inaasar, nakakainis na! Sa sobrang inis ko, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang braso ko at unti-unting umiyak. Nagulat si Liam sa ginawa ko.

"Uy J-jill, nagbibiro lang naman ako eh." Di ko siya pinansin. "Jill, joke lang naman kasi yun ehhh!" Pagpipilit niya. Di ko pa rin siya pinansin.

"Hala! Sorry Jill!" Paumanhin ni Mandy.

"Joke lang yun Jill!" Sabi rin ni Nigel.

Biglang nagsalita si Sam, ang tahimik sa grupo namin. "Birthday na birthday ni Jill, inaasar niyo? Alam naman kasi natin guys na pag inaasar siya sa mga lalaki ng sobra sobra, naiinis siya diba? Yan tuloy." Pagkatapos ng kanyang sinabi ay pinagpatuloy niya ang kanyang pagbabasa ng libro.

"Nagbibiro lang naman kasi talaga ako eh." Malungkot na sinabi na Liam at tumayo sa kanyang kinauupuan. "Saglit lang guys ha."

Nabalot kami ng katahimikan at tanging naririnig na lamang ang aking pagiyak. 

Nagulat nalang ako nang biglang may marshmallows sa harapan ko. Kukunin ko na pero may kumuha kaya napatingin ako sa kamay ng kumuha. Si Liam lang pala!

"Uy Liam akin na yaaan." Sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo ko patawarin eh. Di mo 'to makukuha."  Sabi niya sa'kin.

"Eto na! I forgive you! Akin na yan!" Kinuha ko "Thanks Liam!" At masaya kong nilantakan ang favorite food ko.

Di ko pa napapakila ang kaibigan. Unang una sa lahat, ipapakilala ko si Liam. Siya ang pinakaclose ko sa lahat. Siya ang lagi kong kaasaran at kaaway. Siya rin ang pinakamaalahanin sa kanila lalo na sa'kin. Lagi niya sinisigurong kumain na ako, okay ako, at wala akong sakit. Lagi niya rin ako hinahatid pauwi sa amin. Di ko nga alam kung bakit ganoon siya sa akin eh, nagmumukha tuloy akong babae! 

Sunod naman si Mandy. Si Mandy ang nagiisa babae sa'min. Pinili niya na kami ang samahan kaysa sa mga kaibigan niyang babae kasi ayaw niya daw sa mga maarte at plastik. Siya ang kasundo ko sa pagasar kay Liam, o kaya naman kay Nigel kapag nagkakacrush sila, at siya rin ang kasundo ko kapag may mga poging lalaking dumadaan sa'min. Napakaingay niya, pero mapagmahal sa amin.

Si Nigel ang pinakamakulit sa amin. Siya ang player sa amin, sa katunayan siya ay nasa basketball team sa school namin. Di ko naman matatanggi na siya ang pinakapogi sa kanilang mga lalaki. Siya rin yung kaibigan naming ipagtatanggol ka kapag may kaaway ka.

At huli, si Sam. Siya ang nagsisilbing "tatay" namin sa aming grupo. Napakaseryoso, at masungit pero siya ang pinakamabait kung ikukumpara mo sa tatlo. Siya ang pinakamagaling magbigay ng advice sa kanilang lahat, at siya rin ang pinakamatangkad sa aming mga lalaki.

Ang mga kaibigan ko ay alam ang aking kasarian. Naalala ko noong nagtapat ako sa kanila, lahat sila tinanggap ako, at binantaan pa nina Liam at Nigel yung mga mangaasar at mananakit sa akin. Mga baliw pero sweet.

"Oh okay ka na Jill ha? Nagulat ako bigla kang umiyak." Sabi ni Mandy.

"Ampanget mo kaya kanina noong umiiyak ka!" Banat pa ni Nigel.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Mas panget ka!" Pagtataray ko. "Sandali lang guys, mag CR lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

Tumayo ako sa inuupuan namin at pumunta sa pintuan ng cafeteria.

Nung malapit na ako sa labasan ng cafeteria may sumalubong sa'king lalaki at nabunggo ako na ikinahulog ko sa sahig. 

Hey, BOYFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon