dedicated to @JulianEllaMe
Word Count:1665 words lang haha
Angie P.O.V.
Eto na naman ako ngayon nakatago nanaman nanaman sa isang malaking bato. Kase baka pag nakita ako ng mga tao ay baka patayin nila ako. Isa lang naman ang aking pinagmamasdan rito eh, kundi ang isang lalaki na aking kinamamanghahaan na mayroong matangos na ilong, magagandang mata na parang maala bituin sa pagkinang nito, pisnging nakakagigil na pisilin, labing nakakapanabik na halikan, at kutis na makinis at maputi (flawless diba haha)<Flashback>
Nandito kami ng kaibigan kong si chelsea malapit sa pampang ng karagatan ngunit natitiyak naming walang makakakita samin. Dahil nagtatago kami kase isa kameng sirena. Na ang tingin ng mga tao ay halimaw pero magkakamukha rin naman tayo, pareparehang nag sasalita, humihinga, nasasaktan, at higit sa lahat marunong ring magmahal. Pero marami paring bagay ang mayrong alam ang mga tao dahil meron silang ginagawa na hindi namin nagagawa rito sa karagatan tulad ng mag-aral, mag-simba, magpunta sa pamilihan na ang tawag raw ay mall. Simula pa lang noong nasa edad katorse palang kame ay nahumaling na talaga ako sa kanyang napakaamong mukha nito...Yun na nga nandito kame kase gusto kong magpasama kay chelsea upang makita si.......
"Sino nga ba yon chelsea" tanong ko kay chelsea.
"Si aldous pwend ang iyong pinakamamahal" sabi ni chelsea na may halo pang biro.
"Ay oo nga pala si aldous. Ang gwapo nya no, nakakahumaling talaga ang mukha nya" saad ko naman
"Tsk!!Umalis na nga tayo dito pwend, bukas muna ulit pagmasdan yang LOVE mo" pagbubugnot na sabi ni chelsea na lumangoy ng palayo
"Hoy! Chelsea! Ikaw babaita ka, pag nasundan kita sasabunutan kitang loko ka" nagagalit kong sabi at lumangoy na ren papunta kay chelsea
"Haha! Kung maabutan mo ULOL!" Pasigaw na sabi ni Chelsea dahil napakalayo na nito sakin
<End of Flashback>
"Hoy babae! Baka natatandaan mo mag-aalas-sais na at baka mayari na naman tayo sa Reyna Alessandra" Pabugnot na may kasamang irap na tingin saakin ni Chelsea kaya naman natauhan ako ng marinig kong mag aalas-sais na dahil kung sa mga tao may curfew saamin ang tawag naman roon ay "deepfew" dahil nga sa malalim na parte ng dagat kame nakatira ay sa ganong pangalan nga ito tinawag .. Ah basta mamaya na daldal beh baka lalo pang magalit si pwend ko
"Ay oo nga pala, ah eto na tara alis na tayo" sabi ko at nauna nang lumangoy
PS;nagtataka ba kayo kung bakit ko syang nakikita rito kase nga harap lang nito Cafe shop at mga fast food chain, sabi naman sakin ni pwend kaya lagi raw nandito si aldous kase sa likod lang raw ang bahay nila.
At nagtataka rin ba kayo kung bakit ko nalaman pangalan nya kase may isang babae kaseng tumawag sa kanya at napalingon naman sya at noon kase ay napunta sa dagat ang ID nya tapos don ko nga nalaman na yun pala ang pangalan nya at yehey may remembrance ako haha.. Yun lang
Mga pwend balek na tayo sa kwento!
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Pagkarating na pagkarating ko naman sa bahay namin sa ilalim ng dagat ay bakas sa mukha ng Ina ko ang pag-aalala nya saken"Oh! Anak buti nandito ka na! Saan nga nanaman ba nanggaling Angge ka oh?"Tanong ni mama na may halong pag-aalala
Hayyyts! Nakakainis na naman si Mama oh😡 Angge nanaman ang tawag saken oh, di na nga ako bata ma! Angge comes from Angie duhh!
Ako nga pala si Angie Lorraine Velasco, 17 years old tinuturuan ng magulang sa pag-aaral dahil Wala ngang Paaralan rito sa dagat..balik tayo sa kwento guys
YOU ARE READING
An Unforgettable Love
FantezieMinsan lang mangyari sa buhay ng mga tao ang makipagmahalan, makipagsalamuhuan, makipagtawanan, makipagusap, makipagkwentuhan, at ang pinaka IMPOSIBLENG mangyare ay ang makilala mo siya lalo na't kung ikaw ay hindi tao at dahil kung nagkakatawang ta...