TIM 1

46 1 0
                                    

Grade 9

Pinagmamasdan ko si Mark na binubuksan ang  bentilador na isang dipa lang naman ang layo saakin, ang gwapo niya. Masarap pala sa pakiramdam kapag nililigawan, feeling mo ay napakaganda mo dahil nasusunod lahat ng gusto mo.

"O, ba't nakarating dito 'yang si Mark? Sa kabilang side siya nakaupo diba?" Tanong ni Violet na kauupo lang sa tabi ko.

"Inutusan ko kasing pagbuksan ako ng electric fan, ang init kaya," sabay tingin ko kay Mark na bumalik na ulit sa pakikipag-usap sa barkada niya.

"Ha?! Ang lapit-lapit mo na nga, nang-utos ka pa?!" Di makapaniwalang sabi ni Violet.

"Hanep! Ganyan na ba talaga nagagawa ng pag-ibig?" Dagdag pa niya na naghatid ng ngiti sa mga labi ko.

"Baliw, kung anu-ano sinasabi mo."

"Eh talaga naman. Biruin mo, sino bang mag-aakala na sa'yo lang pala titiklop ang hari ng pasaway sa batch?" Hindi mapawi ang mga ngiti saaking mukha.

"Pero seryoso Winter, kelan mo ba sasagutin si Mark?" Kinikilig na rin at may halong pang-aasar ang tono niya.

"Malapit na." Napakunot-noo bigla si Violet sa sinabi ko.

"My gosh Winter Mendiola! Kelan nga?" Kelan nga ba? Hindi ko rin alam eh, basta alam ko lang ay malapit na. Nakakatuwang isipin na may tao pala talagang hihintayin ka at kayang magbago para sa'yo. Naalala ko na naman yun mga pagbabago ni Mark simula nang ligawan niya ako.

Tumaas ang mga grades niya at wala ka nang makikitang palakol, di na rin siya masyadong  nagpapasaway di tulad ng dati na kahit sinong teacher ay di niya sinasanto. Naging magalang na rin siya kahit papaano kaya halos ipagtulakan na ako ng mga kaklase ko na sagutin ko siya dahil deserve naman daw niya.

Wala naman akong problema kay Mark, matangkad, maputi, sweet, magaling magpakilig, magaling sumayaw,  totoong tao, halos nasakanya na nga lahat kaya naman napakaswerte ko dahil ako ang napili niyang mahalin.

Dumating bigla si Ma'am Kuizon na adviser namin kung kaya't naputol ang pag-uusap namin ni Violet.

"Class, may emergency meeting ang faculty so please get your diary and.." Tumingin siya sa relos niya sabay sabi ng, "write notified time out, 1:30 pm." Umalis na siya agad, isa lang ang ibig sabihin nito, ako ang pipirma sa mga diaries ng mga kaklase ko dahil ako ang president sa klase. Naman, o.

"Hi, Winter babe!" Masayang bati ni Mark sabay tabi saakin habang may pinipirmahan ako. Nginitian ko siya na naghudyat para sumigaw ang klase ng, "Ayiiiiiiiie!" 

Napa-iling nalang ako habang nakangiti.

"Wint, lumabas ka ba kagabi?" Tanong niya bigla.

This is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon