TIM 3

24 1 0
                                    

Sabado ngayon, walang pasok kaya wala akong pwedeng idahilan dun sa snatcher kung bakit ako di makakapunta at tinatamad akong umisip ng pwedeng ipalusot. Hindi ko rin naman kasi ugaling hindi tumupad sa usapan. At isa pa,  lutang pa rin ako.

"O, saan ang lakad mo?" tanong ni mama pagpasok ko sa kusina.

"Punta akong Cubao ma, kasama ko po si Violet tas magkikita nalang kami sa sakayan," dire-diretso kong sagot para di na ako tanungin ng tanungin. Ganun dapat ang technique guys.

(8:45 am)

Habang iniinom ko yung pure double chocolate ice blended ko ay napaisip ako. 10 am pa pala ang usapan namin, tas ang aga ko naman sobra, pisti! Baka sabihin nun ay excited ako. Whew. Sabagay, ayos na rin ito kasi sabi nga, "The early bird catches the worm". Paki-connect nalang. 

Bigla kong naalala yung mga dala kong pang-disguise. Nagdala talaga ako nito para di ako makilala nung snatcher, like hello? Di naman ako ganun katanga. Katangahan na nga ata ang makipagkita dun sa snatcher tas gagatungan ko pa? Nuh-uh. Nagsuot ako ng wig, nice may instant short orange-brown hair ako agad. Naglagay ako ng scarf sa leeg at nagsuot pa ako ng nerdy glasses. Ginawa ko ang lahat ng ito habang nakaupo dahil wala naman masyadong tao.

Nasa bandang dulo ako naka-upo at mula sa pwesto ko ay tanaw ko ang buong area ng cafe. Nilibot ko ang paningin ko, apat pa lang kaming costumer na nandoon. Tinignan ko sila. May dalawang babae, limang table ang layo saakin na hula ko'y papasok sa office at parang kinikilig sa tinitignan nila, dumako tuloy ang paningin ko sa bagay na tinitignan nila.

Ay, di pala bagay, tao pala. Lalaki, lalaking gwapo. Sobrang gwapo. Shet.

Yung lalaki ay nakaupo, isang table lang ang layo sakin mula sa kanan.

Hindi naman na bago saakin ang makakita ng gwapo dahil sa mga lalaking pinsan ko palang ay na-immune na ang mga mata ko, pero iba to. Iba yung lalaki, iba yung pagiging gwapo niya. Pati yung paraan ng pag-upo niya ay gwapo. Parang Andrew Garfield lang na may halong Josh Duhamel, lalaking-lalaki.

Natigil ang pagtingin ko sa lalaki dahil nag-vibrate bigla ang phone ko. May nag-text, unknown number.

From: 09359081300

[Yo! Where ka na? Kapag na-late ka, wala nang balikan 'to.  -Cy]

Cy? Sinong Cy?

To: 09359081300

[Hi. Who's this please?]

From: 09359081300

[This is Cy, I already put my name on my first message. What are you, blind?]

Ay shunga, di niya ko gets!

To: 09359081300

[Duh, I do know that your name is Cy but what I actually meant is who's Cy? Cy ano? Cyli? Cyra ulo? What are you, addict? Avoid using katol, it's bad for your health, y'know.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon