Chapter 1: Cross ang buhay ko
"pink ribbon - check"
"pink notebooks and pens - check"
"pink bag - check"
"cross?"
Hinalikan ko ang teddy kong may mukha ni Cross para magpaalam, tapos dinaanan ang lahat ng pictures niya na nasa wall ko. Iniisa-isa ko lahat tapos with kiss pa sa human size poster niya and lastly pinasok ko sa bag ang notebook kong may cover na photo niya. Now, ready to school nako!
CROSS SANDFORD, ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko, ang prinsipe at ang buhay ko. Una ko siyang makita nung 6 years old pa kami, malungkot sya nun pero cute parin, akala ko yun na ang una't huli ko syang makikita. Hanggang magtagpo uli ang landas namin.
Nasa 6th grade ako nun nang maabutan ako ng malakas na ulan habang pauwi. Hindi kasi ako nasundo ni Ada dahil may business meeting, (Ada ang tawag ko kay Dad) . Tapos is Aya naman,ang yaya ko nabaskasyon sa kanilang probinsya.
Para akong basang baboy nun na naglalakd sa may kalsada, baboy kasi ang taba-taba ko, ako ang pinakamataba sa klase, unlovable daw ako pero huggable. Habang nagmuni-muni akong mag-isa, walang kasama kasi wala akong kaibigan sa school dahil daw sobrang taba ko at pangit pa daw, may humintong magarang saksakyan. Natakot nga ako, pero nung bumukas ang bintana napanganga ako sa nakita ko, sya yun, ang batang cute nung 6 years old pako. Hinagis lang niya ang payong tapos sabay sara ang bitana't tumakbo na uli ang kotse palayo.
Gusto kong tumili pero parang hindi bagay, kasi hindi "pang-chicks ang katawan ko’t histsura". Pero kilig na kilig parin ako ng pinulot ko ang payong na pink! Pangiti-ngiti pako na ginamit ang payong na wala naman talagang silbi dahil basang-basa na kasi ako kanina pa. Pero feel na feel ko pa rin ang eksena, para siyang knight in shining armor na sinagip ang isang prinsesang... huwag ko na nga ipagpatuloy baka masira ang moment ko, basta prinsesa nalang. Patalon-talon pa ako pauwi since malapit nalang rin ang bahay namin. Siya ang buhay ko, ang naligtas sa akin mula sa lagnat! Simula noon, sinabi ko na sa sarili ko na siya ang lalaking papakasalan ko balang araw.
Paano ko naman nalaman ang pangalan nya?
Ganito yun, 10th grade ako ng niregalohan ako ni Ada ng Camera, kaya naging hobby ko na ang gumala kung saan-saan pagka free time ko, naglalakad-lakad ako tapos kinukuhaan ko ng mga letrato ang kahit anong makita ko. Nang mag-browse minsan sa mga kuha ko, napansin ko na adun sya sa isans letratong kuha ko, nasa may likuran sya ng puno. Pinadevelop ko agad at dinikit ko sa ding-ding sa tabi ng kama ko at nilagyan ko ng caption " ang buhay ko" . Simula nun, pumupunta na ako dun sa lugar kung saan ko nakuha yung letrato, at di nga ako nagkamali, dumaan ulit sya at punasok sa isang paaralan malapit dun. Agad ko naman siayng sinundan, ngunit hanggang gate lang ako, strikto kasi ang paaralan nila, at di lang basta-bastang paaralan iyon dahil sikat yun sa amin.
Araw-araw na akong pumupunta sa paaralang iyon para abangan siya at kunan na letrato hanggang marinig ko ang mga babaeng parang fans club na nag-titilihan, "Prince Cross!"
"Prince Cross??" may prinsipe pala sa pilipinas, ang alam ko Republika ito. Dun ko rin nalaman na siya pala si Cross. Ni research ko agad siya, at napag-alaman ko na nag-iisang anak pala siya ng mga Sandford, nadadaanan ko nga lagi yung bahay nila. Tapos ni-research ko na rin kung papaano ako makakapasok sa paaralan nila.
Sa kasamaang palad ang mahal pala ng paaralan iyon at hindi ako sikat, hindi naman sa hindi kaya nila Ada na pagpaaralin ako dun, pero ayokong maging pabigat sa kanila. Model nga ako, model ng Tiki-tiki at kung ano-anong vitamis nung bata ako, pero sa hitsura kung eto, sa guard palang hindi na ako papasa.
12th grade nang makapasok ako sa Willford, grabe ang pinagdaan ko para makapasok lang sa paaralan ng lalaking pinapangarap ko. 2yrs din akong nag diet at nag exercise, at grabe ang ganda ko pala kamukha ko si Namie (mom ko). Nagtake din ako ng scholarship at ngayo model na rin ako!
Naging magkaklase kami ni Cross, hindi nya ako pinapansin kahit ako ang isa sa pinakamatalino sa klase, pero okay na yun dahil mas makikita ko na rin siya araw-araw, one step at time kung baga at balang araw ako rin ang ihaharap niya sa altar. Dun ko rin nalaman na sikat pala siya sa school, super hot and super cool pa. Masungit daw pero para sa akin siya ang pinakamabait na lalake sa buong mundo! Pinahinto niya ang sasakyan nila para bigyan lang ako ng payong! haaay crosss ikaw talaga ang buhay ko, dahil sayo buhay pako ngayon!
Sa school ding iyon nakilala ko ang isang grupo ng kababaihan na patay na patay din kay Cross. Sila yung tumatawag ng "prince cross" sa kanya, at eto ako ngayon kabarkada na nila, kasama ako sa sunod ng sunod kay Cross at yung tipong tumitili pag dumaan lang siya at kahit sa kalokohan kasama rin nila ako. Lahat ay nagbago sa akin nang makilala at makasama ko sila.
So eto nako! Ready na para sa first day ng school at excited na makita ang buhay ko!
Last touch, pink lipstick! tara na!
#dear buhay ko,
Simula ng makita ka buhay koy sumigla, kaya't gagawin ko ang lahat makasama ka lamang! Eto na ko, magkaklase na tayo, sana mapansin mo na ako. Ang payong mo? sakin muna dahil hindi bagay sa isang prinsipeng tulad mo ang magdala ng PINK na payong.
~janella.elle
NOTE:
pasensya. addict ang sumulat! hahaha
DEDICATION:
to walangkwentangWriter ang unang nagVOTE neto!
BINABASA MO ANG
Diary ng isang CHIcKENPoX (on hold)
FanficSi Janella, isang chickenpox kung tawagin. Gaya ng karamihang babae ay patay na patay din siya kay Cross Sandford, ang buhay niya. Bata pa lang ay pinapangarap na niya si Cross. Pero paano kung sa lahat ng chickenpox siya lang ang naiiba. ITO AY FAN...