Chapter 1 - Enrollment Day

4 1 0
                                    

Yey! Enrollment day! \\^_^//

Charles POV

Ang hinihintay kong araw.
Maaga akong gumising para maghanda ng aking susuotin at dadalhin papuntang school na aking pag eenrollan. Syempre, di mabubuo ang araw ko ng hindi nagpapatugtog ng KPOP songs. Pinatugtog ko ang kanta ng iKON na Love Scenario. Habang sinasabayan ang kanta, ay siyang paglabas ko naman ng kwarto ko. Dumeretso agad ako sa kusina at nakita ko ang aking pinakamamahal na Lola.

"Magandang umaga Nay" ngiting bati ko.

Si Nanay na ang nagpalaki sakin dahil maaga akong naulila sa aking mga magulang.

"O, gising kana pala. Kumain kana dyan at baka malate ka pa sa pageenroll mo" sabi niya.

"Nay, bakit walang kape?"nakangusong sabi ko na kunyaring malungkot.

"Naku! Ikaw talagang bata ka kahi--"hindi niya natapos agad ang sasabihin niya.

"Nay naman, di na ako bata. Binata na ako"sabi ko habang kumakain ng umagahan.

"Oo na, binata na" habang nagtitimpla ng aking kape.

Hindi kasi ako sanay na hindi nagkakape sa umaga. Kaya't kapag nagkakape ang Lola ko, nakikihati ako sa kanya.

"Eto na ang kape mo. Bilisan mo dyan at maligo kana agad. Alas otso na. Baka malate ka"sabay alis niya sa kusina.

"Opo"tugon ko sa kanya.

Binilisan ko nang kumain at naligo agad.
Pagkatapos kong maligo ay dali dali akong nagbihis.
Habang nagbibihis ako, biglang kumatok ang Lola ko.

"Charles?"tanong niya.

"Eto na po. Bihis na"habang nagmamadaling nagsasapatos.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto dala dala ang sling bag ko.
Nagpaalam na ako sa Lola ko para pumunta sa school.

Pagkadating ko sa harap ng school, nakita ko ang pangalan ng school. "Adam and Eve Academy".  Di ko naiwasang kabahan dahil wala akong kakilala at di ko saulo ang school na ito. Ang daming tao. Kaya pumasok nalang ako para hanapin kung san banda ang kanilang Admin Office.

Habang naglalakad ako. Nagtanong tanong ako sa nakakasalubong kong mga tao.
May babae akong nakita at tinapik ko ng mahina ang kanyang balikat para makuha ang atensiyon niya.

"Ahmmmm. Pwede po magtanong?"tanong ko sa babaeng nakasalubong ko.

"Pwede"ngiting niyang sabi sakin."Ano yon?

"Saan po yung Admin Office dito?" tanong ko na may paggalang.

"Ah, deretso ka tapos kumaliwa ka. May makikita kang building na malaki na kulay puti ang pintura. Yun ang Admin Office"paglalahad niya ng direksyon.

"Salamat po"sabay tumungo ng konti sa harap niya.

"Walang anuman"sabi niya

Sinundan ko ang direksyon na sinabi niya sakin. Kaya't napamangha ako sa nakita ko. Ang ganda ng building. Sobrang linis pa ng paligid. Pumasok ako sa main door at nagtanong tanong.

Kumuha na agad ako ng entrance exam at nasagutan ko naman ito. May mga nakilala din pala akong mga bagong kaibigan. Sila Gail,Jairus at Stephen.
Si Gail ay babae na sobrang ganda pero di ganon kaingay. Si Jai naman ay kasalungat ni Gail. Siya ay isang gay. Sobrang daldal at maingay pero masayang kasama. Si Stephen naman ay isang KPOP fanboy din kaya masaya ako at may kakwentuhan ako about KPOP.

Fanboy Meets BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon