Chapter 2

2 1 0
                                        

Charles POV

Waaaahhhhh sarap ng tulog ko
\\^_^//
Nakangiti akong gumising nang biglang kumulo ang tiyan ko para dahilan akong bumangon agad..
Kaya dali dali akong pumunta sa kusina namin.
Pero walang luto kaya bigla akong sumimangot.
Wala akong choice kundi magluto ng aking pagkain dahil tulog pa ang Lola ko.

Kinuha ko ang itlog at dalwang pirasong hotdog sa refrigerator.

Habang nagluluto ako, nagtitimpla naman ako ng kape ko. Multitasking kumbaga hahahaha
Ganyan ako hindi nagsasayang ng oras.

Pagkatapos kong lutuin yung ulam ko ay kumuha naman ako ng kanin at pumunta sa lamesa.

Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko yung lalakeng yon.
Nakakainis siya. Ang yabang yabang. Akala mo kung sino. Aisshhh

Pero napagtanto ko, gwapo siya, mabango, makinis ang balat at maputi, at maganda ang pangangatawan.
Basta! Mayabang siya. Nakakabwisit siya.

Napalitan tuloy ang masayang umaga ko ng bwisit na bwisit na umaga dahil sa kanya.

Patuloy pa din ako sa pagkain ko ng umagahan nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng Lola ko.

"Nay"sabi ko.. "Kain na po.. pagluluto ko lang po kayo.. wait lang" akmang tatayo na ako

"Wag na charles.. magkakape nalang muna ako"pagpigil niya sakin

"Sige po nay"ngiting sabi ko

Natapos na akong kumain.
Dinala ko sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan ito.

"Ay nay.. bukas pala babalik akong school para sa result ng entrance exam ko"bigla kong sabi habang naghuhugas ng pinggan

"Ganon ba Charles... sana ay pumasa ka sa entrance exam mo"sabi niya habang nagkakape sa lamesa

"Sana nga po nay"sabi ko

Natapos na akong maghugas ng pinggan. Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang phone ko.
May nag missed call.... Si Gail..

Agad ko namang dinial ang number niya at sinagot naman niya agad.

"Hello Charles"sabi niya

"Hello Gail.. bat ka pala nagmissed call?"tanong ko sa kanya

"Ahhh wala.. g-gusto ko lang ng k-kausap"nauutal niyang sabi

Parang umiiyak siya.

"Umiiyak ka ba Gail?.. may problema ba?"pag-aalala kong tanong sa kanya

"A-ahh e-ehh... wala to Charles"sabi niya na may lungkot

"Anong nangyare Gail? Sabihin mo sakin"pagpupumilit kong sabi

"Wala to.. Sige na Charles baka nakakaabala ako. Bye"bigla niyang binaba

"Gail.. Gail..Hello?"pag ulit ko pangalan niya

Ano kayang problema non?

Hindi ko na inisip yon. Tanungin kona lang siya bukas kapag nagkita kami.

Kaya nagpatugtog nalang ako ng KPOP Songs.

*NP: Holland Neverland

Too many eyes I don’t give up fxxk it
nado molla mwol wonhaneun geonji (mwol wonhaneun geonji)
When I was young aesseo seoldeukhajima
kkok geureokeman haeya hae
naega isanghan geonji nuga isanghan geonji......*




Gail's POV

Nag aaway nanaman sila Mommy at Daddy..
Kaya di ko maiwasang umiyak.
Sawang sawa nako sa ganito. Lagi nalang silang ganyan. Ayoko na.
Iyak ako iyak. Naisipan kong tawagan si Charles..kaso walang sumasagot kaya di kona ulit siya tinawagan.

Fanboy Meets BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon