Chapter One

0 0 0
                                    

Jass Min Torrefiel Point Of View

Sabi nila.. 'Love and obey your parents..'

Pero Paano kung.. Sa Pag sunod mo sa kanila ay hindi mo naman makakamit ang kalayaan?? Oo naman noh.. Mahal ko sila. But..

The Heck!! Sinunod ko sila for 18 years tas ngayon pa ba ako magrereklamo? Oo naman! Oo noh, nakakapagod rin kaya!! I'm so tired to the point na gusto ko nalang magpahinga.... 

Habambuhay!!

Pero No No.. Mahal ko ang sarili ko at marami pa akong gustong gawin kaya alam nyo ba kung anong ginawa ko??

Oo tama ka, Naglayas ako! I run away to my life because all I want is to be free..

Wala namang problema dun diba?

Hayst. Ewan ko sa inyo!

"Jass Min, Hija! Di kapa ba tapos riyan?? Naghihintay na si Hero sa labas..!" Sumisigaw na ani ni Nanay habang kumakatok.

"Opo..! Lalabas na ako!" Sigaw ko pabalik. Dali dali ko namang kinuha ang shoulder bag ko. "Nanay ihh, di naman kayo excited? " Bumaba na agad ako ng hagdan at pinuntahan si Kulokoy na naghihintay nga sakin sa labas. Katabi ang pinakamamahal nyang motor bike.

"Tapos kana?" Tanong nya at tinignan ang kabuuan ko.Wala pa akong suklay.. >.<

"Che..! Oo nalang!! Ewan ko sayo, Tara na nga!!" Natawa lang sya sa inasal ko. Tae to hindi man lang naaawa? Hindi pa ako kumakain!

"Tara na.." Kinuha nya ang dalawang plastic bag at binigay sakin. Wala naman akong nagawa kundi abutin yon dahil syempre sya ang magdadrive.

Sumakay na agad sya sa motor nya kaya umangkas narin ako sa likod. Tahimik lang ako.. Ayaw kong magsalita wala ako sa mood lalo na't gutom. Bakit ba atat silang pumunta sa Miracle?

Miracle.. Ampunan yan. Dyan kami nagpapart time job. Syempre naglayas ako kaya kailangan kong buhayin at sanayin ang sarili ko na kaya kong mag isa. Alangan namang magpapasenyorita parin ako noh? Wala nga akong pera para maging prinsesa. Dati oo, pero ngayon? Nevah.

Ito namang si Kulokoy anak to ni Nanay Maretes. Yung kumatok sakin kanina?? Oo sya yun. Si Nanay Maretes kasi Maid ko dati Simula pinanganak ako.. Sya na nga yung tinuring kong Nanay kapag wala yung parents ko ehh.. Napamahal ako sa kanya kaya nung nalaman kong aalis na sya samin dahil narin sa kagustuhan ni Kulokoy.. Nalungkot ako ng bongga. Syempre wala na akong kasama bukod sa ate ko kaya so sad talaga ang peg ko nun..

So when I turned 18 Pagkatapos kung mag Grade 11 ay umalis ako at tadddahh..!!   I found myself here.. Walang nakakaalam bukod kina Nanay at sa ate ko.

Ang saya nga eh dahil mahal na mahal talaga ako ni ate. Hindi nya ako sinumbong at sinusuportahan nya pa nga ako. At sya na ang gumawa ng dahilan para hindi ako hanapin nila papa. She told them na gusto kong maging independent at nasasakal na ako sa klase ng pagpapalaki nila sakin kaya ayun! Wala nang nagawa yung parents kundi hayaan nalang ako. Oo nakokonsensya ako sa ginawa ko, sa paglalayas ko pero ayaw kong ipakita yun. Gusto ko ipakita sa kanila na worth it yung pagpayag nilang hayaan ako.

Nang makarating kami sa Miracle ay agad akong bumaba. Sinalubong ako ng mga bata.

UWAAAAAHHH !!  Eto yung gusto ko dito ehh!! Nakikita ko sa kanila na hindi dapat maging malungkot sa buhay.. Wala na silang pamilya Pero ngumingiti pa din! Hehe.

"Hai sa inyo !! Namiss nyo ba ako? " Bati ko agad sa kanila.

"Opo..!!"

"Hello ate Min-Min!! Ang ganda nyo pa rin!"

"Oo nga po. Buti po dumalaw ulit kayo?"

"Ate may pasalubong po kayo??"

"Haha. Kayo talaga..Oo may pasalubong si ate Min-Min. Eto nga bitbit ko eh!! Tara pasok mga children!" Tuwang tuwa sila habang papasok kami sa loob. Muntik na nga akong matumba ehh.. Dahil bukod sa mabibigat kong dala. May dalawang cute na bata pang kumakapit sakin. Mukha silang unggoy tapos ako yung sanga. Imagine it??

Pero nagulat ako ng inagaw sakin ni Kulokoy ang plastic bags. Tampo mode  ako sa kanya. Sa totoo lang wala naman syang kasalanan. Ewan ko ba sa sarili ko. Naiinis ako.

Kinain na namin ang laman ng plastic bags. Puto yun tsaka suman. Basta mga kakanin. Ginawa namin kagabi ni Nanay.

"Ang sarap mo magluto ate Min-Min. Next ulit ah?" Justin.

"Oo Sige"

Nag gugupit ako ngayon ng mga nagtataasang halaman dito sa may playground. Malapit na mag 3 ng hapon. Aalis na ako dito mga 6 dahil pupunta ako sa Mel's Bar. Bar ni Mes yun halata naman sa pangalan noh? Hehe peace tayo dyan. Kumakanta kasi ako din eh.. 250 Every night yun kaya nag apply ako. At tyaka its my dream. Pangarap ko talaga sumasali sa mga ganyan..

"Psst.." Napalingon ako sa naninitsit. Nakita ko si Kulokoy nakaupo sa isang lamesa na may payong. Binigyan ko sya ng Ano-yun-look.

Tas may pinakita sya saking Tupperwear na Ewan kung anong laman.. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko. Hehe cold mode kunwari ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vandreix University (school of music)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon