Prologue

8 0 0
                                    


Zin's POV



"Pre, ano? Una na ako. Mamaya na lang ah? Kitakits."



"Ge."



Tatalikod na sana ako sa kaibigan ko upang dumiretso sa pwesto kung saan nakapark ang kotse ko ng biglang...



"Hi, Zin."



Tiningnan ko lang sya at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating sa kotse ko.



"Ahh... gusto ko sanang sumabay sayo papauwi. Okay lang ba?"



Agad kumunot ang noo ko pagkarinig na pagkarinig ko noong sinabi nya. Tinignan ko siya ng matagal para sana tignan kung nagbibiro lang ba siya o ano, pero nang makita ko ang inosente niyang mata ay doon ko nalamang seryoso siya.



"Zin?" dagdag niya nang hindi siya makakuha ng sagot sa akin.



"Look, Jae. I have no time for you. I don't like you, you're aware of that. You've been doing this since immemorial, now will you please stop? Aren't you tired of chasing over me? I don't like you and I thought that was clear. Now, go home alone. You have your driver over there, waiting for you." sabi ko sabay senyas sa driver niyang kanina pa naghihintay sa kanya.



Sumakay ako sa kotse ko at saka umalis sa campus namin. Nakakabadtrip. Mas lalo lang akong naiinis sa babaeng iyon. Palagi na lang siyang ganoon. Habol ng habol, hindi naman siya aso at mas lalong hindi naman ako buto para habulin niya. Isa akong poging-poging lalaki na nag-aaral nang mabuti. I have no time for stuffs like that. I don't believe in love. Actually, I find love funny. I find it nonsense. Pero nang makilala ko ang isang babaeng nakakapagpatibok ng puso ko ay nagbago ang persepsyon ko dito. Suddenly I felt that it is the most precious thing in the world.



Napangiti ako dahil sa isiping iyon. Ngunit hindi ko akalaing mamasamain niya pala ang pagngiti kong iyon.



"Why are you smiling?" maya-maya ay tanong niya.



"None of your business." masungit na sagot ko.



Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis na lalong kinainisan ko.



"You, why are you smiling?" iritang tanong ko pabalik.



Tinitigan niya lang ako habang nakangiti. Akala ko ay hindi siya sasagot pero maya-maya ay sumagot rin.

Good To YouWhere stories live. Discover now