Kabanata 1

4 0 0
                                    


Jeiah's POV


"Ang tagal naman ni Zin." bulong ko sa sarili ko.


What time is it? magsisimula na ang party ko e.


"Happy birthday, Jeiah!" maya-maya ay may bumati sa akin.


Nilingon ko ito at nakita ang bestfriend ni Zin, si Peejay. May kasama siyang babae, mukhang girlfriend niya.


"Thank you." nginitian ko ito.


"Happy birthday." nakangiting bati rin ng babaeng kasama ni Peejay.


"Thank you." nginitian ko rin ito.


"Here." sabay abot sa akin ni Peejay ng regalo nila ng kasama niyang babae.



"Oh, salamat." nginitian ko ito ng tipid.


Tinanguan niya lang ako.


"Ahh, wala pa ba si Zin?" nahihiyang tanong ko dito.


"Ay, wala pa ba?" tanong nito pabalik. "Nasaan naman kaya ang lokong iyon?" bulong nito sa sarili. "Ahh, paparating na rin iyon. Don't worry." sabi nito sa akin, pinalalakas ang loob ko.


"Ganoon ba? Sige, thanks." tugon ko dito atsaka ko siya nginitian.


"Ahh, come in, kumain na muna kayo." anyaya ko sa kanila papasok sa bahay.


Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at sandaling nagkwentuhan.


"Ladies and gentlemen, thank you for gathering here, attending my daughter's birthday. I'm really moved by your presence and we really appreciate your attendance." maya-maya ay narinig kong sabi ni mommy sa stage.


"Miss Jeiah, magready na daw po kayo, magsisimula na ang party." sabi sa akin ng coordinator.


"Sige." tinanguan ko ito at saka sinabing susunod na lang ako sa labas.


"Ahh, excuse me, mauuna na ako sa labas ah, magsisimula na raw kasi ang program." paalam ko kila Peejay.


"Ahh, ganoon ba? Sige, we're going outside na din." sabi sa akin ni Peejay sabay tayo.


Sabay-sabay kaming tatlong lumabas at nakita kong ang dami na palang tao. Nagulat pa ako dahil mas dumami ang bisita sa labas. Marami rin naman sa loob pero nagulat ako dahil mas marami sa labas.



Sumunod sila sa akin at agad na naupo sa isang table. Ako naman ay dumiretso sa unahan upang magpasalamat sa mga dumalong bisita.

Good To YouWhere stories live. Discover now