Kabanata 2

2 0 0
                                    



Jae's POV


 "O e ano naman kung magkapitbahay kami? Kailan niyo ba makukuhang magbestfriend na wala akong pakialam sa kaniya? Ha? If it is not clear yet, let me say it again to you. Wala akong pakialam sa kaniya. Wala okay? So tigilan ninyo na ako. Hindi ko siya magugustuhan kahit kailan dahil si Jeiah lang ang mahal ko." 


Hindi ko maiwasang hindi maalala yung mga narinig kong sinabi ni Zin kanina. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyon. Tuloy ay halos hindi ko na maenjoy ang party. Kung bakit naman kasi niyaya pa ako ni Yna dito e.


"Jae, cheer up okay?" nakangiting sabi sa akin ni Yna, nagpapalakas ng loob ko.


"Uy, Jae. 'Wag ka nang malungkot. Sorry kasi kinausap ko pa siya. Sorry kung tinanong pa kita sa kaniya. Uy, sorry na." sabi ni Yna sa akin.


"What did you say to him?" tanong ko.


"Tinanong ko lang naman kung nasaan ka? Kung nandito ka na ba? Hindi ko naman—"


"What?!" nagugulat na tanong ko.


Hindi tuloy naiwasan ng mga malapit sa table namin na mapatingin sa amin. Buti na lang at wala rin dito ang boyfriend niyang kaibigan noong Zin na iyon. Kung hindi... nako.


"Bakit mo sinabi iyon?" pilit kong hinihinaan ang boses ko, nahihiya sa mga taong nasa paligid namin.


"Eh, h-hindi ko naman alam na magiging g-ganoon ang reaksyon n-niya e. Isa pa, ang OA niya masyado ah. Kung anu-ano na ang sinabi samantalang tinatanong ko lang naman kung nasaan ka na?" sabi niya.


"Kahit pa. Tignan mo tuloy ang nangyari." bumuntong hininga ako at naihalamos ang kamay sa mukha.


"Sorry na." nahihiyang sabi paumanhin niya ulit sa akin.


Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi naman ako naiinis sa kaniya at mas lalong hindi ako nagagalit sa kaniya, hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko kaya naman nanahimik na lang ako. Masyadong masakit para sa akin ang lahat ng nadinig ko kahit pa alam ko na naman ang mga iyon.


Sa tinagal-tagal na naming magkakilala ni Zin ay hindi na bago sa akin ang mga sinabi niya. Bata pa lang kami ay may gusto na ako sa kaniya at bata pa lang kami ay alam na niya iyon. Hindi ko rin naman kasi ikinahihiya at inililihim iyon. Pero nang dahil doon, bata pa lang din tuloy kami ay ipinahahayag, ipinakikita at ipinadarama niya na rin sa akin ang disgusto niya sa akin. Sanay naman na ako doon. Hindi ko nga lang talaga maiwasang hindi masaktan sa tuwing ipinararamdam, ipinapakita at sinasabi niya iyon. Pakiramdam ko kasi ay ang pangit-pangit ko kapag ganoon. Gayunpaman, hindi ko pa rin siya sinusukuan.


Ito namang bestfriend kong si Yna, talagang ganiyan yan. Hindi ko alam kung anong masasabi ko sa ugali niya. Matapang siya, bagay na hinahangaan ko sa kaniya. Hindi kasi siya natatakot sa mga bagay-bagay kaya naman mas pinipili niyang harapin iyon. Mabait rin siya, matalino, maalaga pero ang pinakaayaw ko sa ugali niya ay ang pagiging madaldal at tsismosa niya. Tuloy ay hindi maiiwasang hindi niya maireveal ang mga sikreto namin minsan o di kaya naman ay ang mga gusto niyang sabihin. Madalas ay hindi niya rin alam kung kailan mananahimik. Hindi kasi siya yung tipo ng tao na malakas makaramdam kung kailan sensitibo ang isang topic o pag-uusap. Kagaya na lang ng nangyari kanina. Bakit kasi kay Zin niya pa ako hinanap samantalang pwede niya naman akong itext o tawagan?

Good To YouWhere stories live. Discover now