Chapter 2

3 0 0
                                    

Nagising ako na may headache. Sobrang sakit talaga as in! Ano bang ginawa ko kahapon? Nagtitwerk?

Pumikit ako ulit at lumingon ako sa right side. Luh, hindi ako makagalaw. Sinubukan kong lumingon sa left side at naramdaman ko na parang may dingding.

Shit, nasaan ba ako?

Dahan dahan akong dumilat at sana hindi nalang ako dumilat. Kaya pala hindi ako makagalaw kasi may brasong nakakapit sa baywang ko. Lumingon ako sa kanya at dahan dahan din siyang dumilat, parang naguguluhan pa siya katulad ko. At... OH MY GOOOOOOOOOSH! NAKAHUBAD SIYA! *tingin sa sarili* OH MY GOSH! NAKAHUBAD DIN AKO! WHAT IS HAPPENING IN THIS WORLD?!

 OH MY GOOOOOOOOOSH! NAKAHUBAD SIYA! *tingin sa sarili* OH MY GOSH! NAKAHUBAD DIN AKO! WHAT IS HAPPENING IN THIS WORLD?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin. Kulay black din ang kanyang mga mata.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at parang may pumasok sa isip ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at parang may pumasok sa isip ko... black eyes, black hair, yummy muscles, six pack... CHRISTOPHER MENDOZA?!

Sumigaw ako ng napakalakas! Yung tipong rinig na rinig ng buong mundo. Tapos tumalon ako sa sahig habang tinatakpan ko ang katawan ko ng kumot. Oh my God, pareho kaming nakahubad ng lalaking yan!

Omg... Anong nagawa ko? Pagkatapos nito, ipasok ko talaga si Mad sa inidoro!

Tumingin siya sakin habang kinamot niya ang kanyang buhok. "Kaylee?" Sabi niya.

Luh, anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?

Super sayan power mode on! "ANONG NANGYARI KAGABI?!" Sigaw ko with all my heart.

Nakaupo siya sa kama habang nakaharap sa akin ang kanyang TALONG! Waaaaaaaaaah! Agad akong tumalikod sa kanya. Gosh, may nakita akong hindi ko dapat makita, oh my goooooosh... "Tch, pwede ka nang humarap." Dahan dahan akong humarap sa kanya at nakaboxer na siya. Salamat Lord.

Mas humigpit ang kapit ko sa kumot na ginamit ko para takpan ang katawan ko.

Nangyari kaya sa amin yung iniisip ko? Nakita na ba niya ang katawan ko? Oh no... arghhhhhhh!

"Shit, nakipagtalik ako kay Kaylee Garcia?" Bulong niya pero rinig na rinig ko naman. Base sa kanyang tono ay parang nagsisi siya na nakipag-ano siya sa akin. Tse! Nakakaasar! Hindi ko rin naman to ginusto!

"Hoy gago, sabihin mo nga sakin kung anong nangyari kagabi?" Inis na inis na ako.

Paano nangyari to at bakit sa lahat ng mga lalaki ay siya pa?

Ngumisi siya sa akin. "Alam mo naman pala kung paanong magtalk back." Tumawa siya tapos tumayo siya para hanapin ang kanyang jeans.

Ugh! Kinuha ko ang panty at bra ko at sinuot ko na. Hinanap ko ang damit ko pero hindi ko makita, kaya kinuha ko nalang ang t-shirt niya at sinuot ko ito.

"Hoy akin yan!" Sabi niya.

"Ibabalik ko to sayo kapag sasabihin mo sa akin kung ano ang nangyari kagabi!" Nagulat ako ng nagkibit balikat lang siya at tumawa.

"Akala mo na alam ko prinsesa? Lasing ako kagabi at ikaw din. Tch, sa lahat ng mga babae sa buong mundo, ikaw pa talaga." Umupo ako sa kama at umupo rin siya sa tabi ko. "Pwede ka nang umalis." Luh, hindi ikaw ang tatay ko ulol.

Ako na naman ang tumawa.

"Hinayaan kitang i-bully ako ng maraming taon sa paaralan pero sa labas, may sarili akong buhay at heto ka ngayon nambubwisit sa buhay ko at hindi ko yun gusto! At ngayon, sasabihin mo sa akin kung paano nangyari! BILIS!" Sigaw ko at natigilan naman siya.

Bumuntong hininga siya at ginulo niya ang kanyang buhok, pero bigla siyang napatigil nang parang may nakita siyang multo. Tinignan ko kung ano ang tinitigan niya. May nakalagay na maliit na papel sa kanyang braso. Luh, bakit may papel sa kanyang braso? Kinuha niya ang papel at may nakalagay doon na tattoo... Kaylee.

"WHAT?!"

"What the fuck?!" Sabay naming sabi. Tinignan ko rin ang katawan ko kung may tattoo rin ba. "Walang tattoo sa katawan mo."

Tinignan ko siyang naguguluhan.

"Sa susunod, kung hindi mo gustong may tumitingin sa katawan mo, siguruduhin mo muna na walang nakatingin sayo, tanga." Namula ako at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Aish! Alam mo ba kung gaano kamahal ipapatanggal to?" Sabi niya. Luh, wag ako. Tanungin mo ang naglagay ng tattoo sayo, ulol. Bigla akong natigilan nang napatingin ako sa kamay ko. Oh... my... gosh... Napasigaw ako ng malakas.

"Aray! Ano ba?!"

Nanatili lang akong sumisigaw at pinapakita ko sa kanya ang singsing na nasa kamay ko. Natigilan din si Christopher Mendoza at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Walangya!"

"Totoo kaya to?" Tanong ko.

"Paano ko malalaman kung totoo ba yan o hindi?!" Sabi niya.

"Hindi ang singsing ang ibig kong sabihin tanga! Ito ba ay isang... wedding ring?"

"Wag mong sabihin yan! Hindi tayo kasal!" Sigaw niya.

May biglang pumasok sa isip ko at bigla akong napatawa.

"Hahahaha! Siyempre hindi! Kung kasal man tayo, may certificate sana tayo eh wala naman." Tumawa pa rin ako at nakisali rin siya.

"Tama ka Kaylee. Magpanggap nalang tayo na hindi to nangyari." Sabi niya at tumango ako.

Phew! Magiging maayos lang ang lahat.

"Sandali, nagsex tayo... Siguruduhin ko lang, hindi ka naman buntis noh? Uminom ka naman siguro ng pill." Sabi niya.

"Hindi ako umiinom ng pill, at naniwala akong hindi ako buntis Christopher Mendoza." Tumingin ako sa dress ko na nahanap ko. Yung sinuot ko kagabi.

"Sigurado ka?" Tanong niya ulit. Halatang kinakabahan siya.

"Hindi ako maaaring mabuntis ok?! Kaya tumahimik ka na!" Sabi ko.

Hindi ko kailanman sasabihin sa kanya ang kwento.

"Ok." Sabi niya at nilagay niya sa bulsa ang mga kamay niya. Napansin kong naiilang siya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at may kinuha siya sa kanyang bulsa.

"Patay..." Bulong niya. Dahil sa kuryosidad, lumipat ako sa kanya at tinignan kung ano yun.

Sa ibabaw ng papel, may nakalagay na 'Marriage certificate' at sa ibaba ay nakalagay ang lagda ni Christopher Mendoza at sa tabi ay nakalagay naman ang lagda ko. Tapos may nakalagay pang Mr. and Mrs. Mendoza.

"Patay." Sabi ko rin.

*****

Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbabasa nito. It means a lot to me and I'm so very grateful to each and everyone of you, huhuhu charot!😂

Sino ang gustong magpadedicate? Comment lang sa ibaba. Kung sino ang mauna ay siya ang i-dedicate ko.

Vote, comment, and enjoy!😊

Lamon pa ng ice cream...😂

Si Chris po ang nasa pic, aka Park Bo Gum.❤

- Crazy_Kupkakes24☺❤

You're My Wife NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon