Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3

1. Sira na ang buhay ko.

2. Nagpapanic na ako.

"Omg! Omg! Omg! SHIIIIIIIIIIIIIIIT! CHRISTOPHER MENDOZA! CHRISTOPHER BOBO MENDOZA! Ngayon ang kasal ng ate ko at hindi niya alam kung nasaan ako ngayon! At kasal ako kay Christopher Mendoza!" Sinabi ko ng mabilis.

"Bakit Christopher Mendoza ang tawag mo sakin? Ang weird..." Tumayo siya at nilagay niya ang kanyang mga kamay sa balikat ko. "Huminahon ka lang Kaylee, inhale... exhale..."

Nang maramdaman ko ang kanyang mga kamay sa balikat ko, medyo kumalma ako ng kunti.

Tinignan niya ako sa mga mata.

"Pupunta ka sa kasal ng ate mo at bukas, magkita tayo sa bahay ko ok? Maghahanap ako ng solusyon! Chillax ka lang ah? Hoy! Nakikinig ka ba?" Tanong niya. Himala, mabait din pala tong hayop na to.

Tumango ako. Aayusin niya to. Magiging maayos lang ang lahat. May nilagay siya sa kamay ko at yun ay ang damit ko. "Ngayon, umalis ka na." Aba! Walangya!

Binawi ko ang sinabi ko kanina, hindi pala siya mabait. Mas masama pa pala siya kesa sa demonyo.

Nagkibit balikat lang ako. I hate you Christopher Mendoza!

Lumabas ako sa kwarto habang nasa kamay ko pa rin ang damit ko. Nandito pa rin pala ako sa hotel. Ang mga kapatid ko ay nasa ibabang floor na to. Sana hindi nila alam kung ano ang ginawa ko kagabi.

Pumasok ako sa elevator at may kasama akong mga maids, at parang ok lang sa kanila na may babae dito na nakasuot lang ng damit ng lalaki.

Nakarating na ako. Pumunta ako sa kwarto ko at habang papunta pa ako. Nakita ko sila na iba't iba ang mga posisyon. May nakasandal sa dingding, may nakapatong sa tv, may isang baliw diyan na ang ulo ay nasa loob ng pot, may nakahiga sa sahig, may nakahiga sa mesa, etc. Yan... inom pa more.

Nagbihis ako agad ng black jeans, blue long sleeves, at pink converse, tapos sinuot ko ang eyeglass ko. Nakalugay lang ang buhok ko tapos nagsipilyo ako. Pinasok ko sa bulsa ang singsing kanina.

Bumalik ako sa sala at nakita ko ang mga baliw kong kapatid na natutulog sa sofa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumalik ako sa sala at nakita ko ang mga baliw kong kapatid na natutulog sa sofa. Lumapit ako sa kanila at lumapit pa ako sa mga tainga nila.

1... 2... 3... "GISING NA MGA PANGIIIIIIIIIIT!" Sigaw ko at napatalon naman sila sa gulat kaya ayun, naglanding sa sahig.

"Aish!" Sabi ni Mad habang kinukusot niya ang kanyang mga mata.

Sisigawan sana ako ni Penpen nang bigla siyang natigilan, agad naman siyang tumayo at tumatalon pa na parang baliw habang sumisigaw. Biglang bumabangon ang mga patay.

"Ikakasal na ako ngayon!" Sigaw niya at sumigaw din ang mga patay este mga kaibigan niya.

Pasensiya na guys, ganyan na talaga si Penpen kasi cheerleader yan noon.

Parang nasusuka ako nang marinig ko ang salitang 'Ikakasal'. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Ngumiti ako ng pilit sa mga ate ko.

"Orayt!" Nagpanggap akong na-eexcite sa kanila. "Excited na si ate sa honeymoon! Hahahaha!" Tumawa rin si Mad at tumingin siya sa kanyang relo.

"Late na tayo! Hindi na tayo mag-aalmusal. May 2 oras pa tayong umuwi at may kalahating oras pa tayong makapagpahinga. Yung appointment natin sa salon ay mamayang 11:30 am at mamayang alas 3 ay ipapadeliver na yung wedding dress mo, tapos mamayang alas singko ay dapat nandun na tayo sa simbahan!"

Patay na.

May isang maid na nakatingin sa akin habang nakangiti habang lumabas na kaming lahat sa hotel na parang alam niya ang nangyari sakin kagabi. Sana talaga na wala siyang alam.

*****

I hope you like this chapter! Even though it's so short, I'm so very sorry.

Vote, comment, and enjoy!😊

*lumalamon ng ice cream habang walang nakatingin* Oy akin lang to noh. Bumili kayo ng para sa inyo lang. This is my ice cream, bleh! *kumuha ulit ng isang gallon ng ice cream at lumalamon ulit*

Lab you all!😙❤

Salamat sa pagbabasa!😊

- Crazy_Kupkakes24☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My Wife NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon