Ordinaryong School pero medyo akward ang mga nangyayari.
Sa ibang school dito sa bayan namin laging bida ang mga
MAGAGANDA AT GWAPO at laging api ang mga nerd.
Pero dito sa SEA bidang bida kami. Bidang bida ang mga Nerds dito. Mas naapi dito ang may mga magaganda at gwapong hitsura. Kaya dito kami pumasok laging may laban ang mga nerds. Di katulad sa ibang paaralan lahat ng nerds itsapuwera.
Wait di pa pala ako nagpapakilala ako nga pala ang nagiisang nerd na maganda charot ako si Shyn Ferrer. 2nd year na ako sa Shantei. May kapatid ako si Katana Ferrer isa din syang nerd kagaya ko Dyosa din. Then ang panganay ang nagiisang Gwapo at take note hindi nerd si Kuya Azuse Ferrer. Then ang magulang ko parehas sikat na Model sina Rina and Christ Ferrer. Sila din ang may pinakamalaking share sa School namin."Shyn and Katana gising na kakain na daw tayo sabi ni Mom and Dad." si Kuya Azuse yan. Agang aga ang lakas ng boses.
"Kuya Azuse mamaya na po aga aga pa ehhh" totoo namna wala naman pasok sa Lunes pa naman.
"Anong maaga pa mag aalas nuwebe na" Ano ba naman yan ten panaman talaga gising ko eto talagang si kuya atat.
"Kuya mamaya na di pa naman ako nagugutom at saka wala naman akong gagawin ngayon. Si twinnie ba gising na" tanong ko kay kuya
"Oh yes little sis kanina pa sya gising ikaw na lang hinihintay sa baba. Kaya baba kana." pagpupumilit ni kuya
Then yun bumaba na ako alam ko kasi na di titigil si Kuya pag di pa ako bumaba. Dumiretso ako sa dining room namin.
"OMG TWINNIE PUPUNTA DAW TAYO SA MALL." ano bayan kala mo naman may sunog ang lakas lakas ng boses.
"Saang mall. Saka wag ka ngang sumigaw dyan agang aga nakakarindi ka" inis na inis na sabi ko.
"Twinnie sa MOA daw. Sabi ko nga sa kanila dun na lang tayo sa dati."sabi nya
"Mom dun na lang tayo sa The Nerd. Baka ma- OP kami ni Katana"pag-aalala ko.
***
A/N : Sorry medyo maikli itong prologue bawi na lang ako sa chapter 1. Newbie akooooo kaya dont expect too much. Sana maenjoy nyo itong first stoey kooo.
Love you all Dont forget to Vote and share this story .Love Nekllewoh