PAG-IBIG (Poem)

282 6 0
                                    

~♡[  A/N: naisipan ko lang po ipost dito. wahehehe.. assignment kasi nmin to sa Filipino. nga pala, d po ako emo o ano man.. d rin po ako sawi. basta. natripan ko lng ito ung gawin ko. wahehehe.. walang basagan ng trip.. wahaha (^__^)V  ]♡~

Puso ko'y nabulabog ng makita ka

Unang beses pa lang minahal na kita

Araw-araw ay laging hanap-hanap ka

At laging umaasa na makita ka

Ang mundo ko ay umikot para sa'yo

Binigay ng buo ang puso kong ito

Kinalimutan ang lahat, dahil sa'yo

Mahalin mo lamang ang puso kong ito

Gabi at araw, laman ka ng isip ko

Di mapakali, pag di ka nakikita

Dahil ikaw lang ang kaligayahan ko

At ng puso kong ito na baliw sa'yo

Ilang beses mo mang ako ay iwanan

Ako'y maghihintay na iyong balikan

Ganyang kabusilak ang aking pag-ibig

Hanggang kamatayan ika'y iniibig

Baliw man ako sa paningin ng iba

Ito'y tatanggapin ko nang buong puso

Dahil alam ko na dito sa puso ko

Ako'y nagmahal lamang ng tapat sa'yo

Isa lang ang hiling ng puso kong ito

Ako'y mahalin din ng lubos at tunay

Nang sa aking pagpanaw ito'y matangay

Masasayang alaala nating ito

Giliw sana ay huwag mong lilimutin

Pag-ibig kong wagas na sayo'y inalay

Salamat din sa pag-ibig mo sa akin

Na nagbigay ng saya sa aking buhay

PAG-IBIG (Poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon