MINZIE'S POVNagising ako ng alarm ko kaya naman nakapikit pa akong bunlmangon at nagalakad sa cr para maligo at mag ayos ng sarili..Pagkatapos ko ay bumaba na ako at doon ko nadatnan si Kuya na nag babasa ng dyaryo at umiinom ng tsaa
"Hmm let's eat" bungad nito sakin pag kaupo ko sa tabi niya hindi na ako sumagot pa at kumain nalang ng agahan at matapos kumain ay nagpaalam na akong aalis na
Pagkarating ko sa school ay nakasabay ko si Ma'am Perez
"Hi ma'am" bungad ko rito
"Oh!! Minzie malalate ka nanaman ah"
"Hindi naman always ma'am hehe" sabi ko Sabay kamot sa batok
"Haha Biro lang hij---
" Excuse me kilala niyo po ba si ma'am Perez.?"singit ng isang babaeng nakasibiliyan at nasisiguro Kong transfer student ito
"Ako bakit?"
"Ahh ma'am ako po yung transfer student" pakilala nito
"Ah ganun ba." Sabi niya saka humarap sakin "kaklase mo siya minzie paki escort nalang dadaan muna ako sa office" bilin nito sakin saka tumalikod sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa makalayo samin at saka ko hinarap ang babae
"Ah ako pala si Vivian,Vivi nalang para maikli hehe" nakangiting baling niya sakin ng mapansin niyang nagtataka ako at inabot sakin ang kamay niya "Minzie" nakangiting inabot ko ang kamay niya "Halika na malalate na tayo" sabi ko sabay hila sakanya at dumertso sa school at naabutan namin ang lecturer na nagleleson kaya naman nabaling ang atensyon ng lahat samin pati narin ang lecturer ng dahil sa pag bukas namin ng pinto
"Hi ma'am!!sorry for being late" nakayukong saad ko
"Get in..and stand in front fasterrrr!!" Galit na sigaw nito samin ni Vivi kaya naman ay mabilis pa sa kidlat ay nasa unahan na kami at doon ko lang nakita sila Jeycee at Fiona na ngiting ngiti na nakatingin sakin kaya sinamaan ko lang sila ng tingin, humalakhak ito ng walang tunog.. ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Rydell na nakatingin rin sakin nginitian lang niya ako at nabalik ako sa realidad ng magsalita si maam
"Tatanggapin ko ang pagkalate niyo at di ko kayo ibabagsak sa isang kondisyon"
"Ano po yun maam?" Napamaang na tanong ko
"Mag ququiz ako mamaya hanggang 50 pero sainyong dalawa ay hanggang 100 maliwanag? " halos pandilatan kami ni maam ng sabihin yun kaya wala na kaming nagawa at tumango ako
"Ikaw magpakilala ka" mataray na sabi nito kay vivi
"I'm Vivian Perez at galing ako sa New York university"pakilala nito "Aba mahusay!! Balita ko ay pangmatatalino lang yun at mayayaman bakit ka lumipat rito? "Nanguusisa na tanong nito kay vivi "Business matter" Seryosong saad nito kaya napahiya si maam at pinaupo na kami