Dear Ex,
Gusto ko lang sabihin sayo na masaya ako kasi masaya ka nadin sa piling ng iba. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay kasalanan ko binitawan kita at ngayon nasa piling ka na ng iba. Ang tanga-tanga ko kasi sa mga panahon na yun mas inuna ko kasi yung sarili ko kaysa sayo. 3 yrs! 3 yrs na ang lumipas pero ganun ka parin walang pinagbago ako lang ang nagbago. Di ko lubos isipin na masaya na tayo sa piling ng iba at ngayon kaibigan nalang tayo, pero kahit ganun okey na ako kasi kahit papano nagpapansinan padin naman tayo at nag-uusap ng wala ng ilangan. Siguro di talaga tayo ang nakalaan sa isa't-isa.. Pero nagpapasalamat padin ako kasi kahit papano may natutunan naman ako sa pag-alis mo at natutunan ko din na mas mahalin yung sarili ko. Salamat sa mga ala-ala na kasama ka di ko yung makakalimutan kasi naging parte kadin naman ng buhay ko.From: Your Ex
A/N: Wag bitter mga besh! Move-on na kayo sa mga Ex niyo. Don't forget to vote and comment lab ya~~ <3
BINABASA MO ANG
Dear Ex
PoetryNote: Para to! Sa lahat ng may ex. Yung mga nagmahal, nasaktan at nag-move on.