Highschool palang magkakilala na tayo.. Lagi mo pa nga akong inaasar eh, nagkakilala, nagkausap at nagkasama lang tayo dun nag start yung lahat. Hanggang sa niligawan mo ako at nung JS prom natin ikaw yung ka date ko at yung last dance ko at dun na kita sinagot. Ang saya-saya natin nung mga panahon na yun habang nagsasayaw at dinadama yung kanta na para bang tayo lang dalawa. Pumunta ka pa sa bahay namin para makilala yung mga magulang ko, di ka pa nga natakot na harapin sila kahit retired army pa si Daddy. Nagulat naman ako kasi nagkasundo agad kayo at okey lang si Daddy kahit medyo may pagka-strict siya sa'kin. Dumaan ang monthsary natin nag effort ka pa talaga at kinunsyaba yung mga kaibigan ko para surprisahin lang ako. May pa flowers at chocolates ka pang nalalaman at hinalikan mo ako sa noo at niyakap sa harap nila. Hanggang sa tumagal tayo, akala ko ikaw na talaga yung tipong lalaking makakasama ko sa habang buhay at idadala ako sa altar. Pero bakit ngayon nagbago ka na? Anong nangyari satin? nasan na ang dating ikaw? Masaya naman tayo diba? Wala namang iba diba? Bat ngayon nagsasawa ka na, at gusto mo ng bumitaw?. Ang dami kong tanong sayo pero Bakit di mo padin masagot ang labo talaga, bakit pa kasi nauso yung salitang fell-out of love na yan! Bakit pa kasi nangyayari padin yan. Tayo padin nga pero di ko naman nadadama yung presence mo.. Di mo narin ako kinakausap at lagi nalang hawak yung cp mo, mas busy ka pa sa ibang tao at ang dami mo pang dahilan nagbago ka na.. At alam ko naman kung san na to pupunta! Kaya ngayon palang puputulin ko na! Wag mo na akong aalalahanin hahanapin ko lang sarili ko kasi hanggang ngayon di ko padin alam kung san magsisimula.A/N: Ansaket nuh? Pero kailangan na talaga natin silang e let go di na natin deserve ang masaktan. Wag martir besh! Kung alam mo naman kung san na patungo yung relasyon niyo. Pag maaayos pa e di ayusin niyo ng sabay di yung ikaw lang yung nagtataguyod sa relasyon niyo. Kung di na talaga wag na pilitin mahalin mo muna sarili mo. This is just an friendly advise.
Vote and comment naman kayo diyan? Pretty please hahaha..
BINABASA MO ANG
Fell-out Of Love
Short StoryBakit pa ba kasi nauso yung fell-out of love na yan? Ansaket-saket na.