Prologue

23 2 0
                                    

Sabay Tayo ♡

------------------------♥

"Pag'kinasal ako, dapat nasa tabi kita ah. Ikaw ang magiging best man ko.."

"Loko! Paano mo ko magiging bestman eh babae ako... Sige ka, pag ginawa mo 'kong bestman gagawin kitang maid of honor.."

"Problema ba yun, edi palitan natin ng best woman tsaka man of honor! .... Kaso, parang ang sagwa pakinggan.. Ah, basta.. Kahit ano mang tawag dun, dahil bestfriend kita kailangan, nasa tabi kita pag ikakasal na'ko. Pangako ha."

Naalala ko nung bata kami, pinagpipilitan niya talagang nasa tabi niya dapat ako pag ikinakasal siya.

Siyempre, eto naman si ako, dahil isang mabuting kaibigan eh tumutupad sa pangako.

Im keeping my promise Jai, the same way you have kept yours. Andito lang ako sa tabi mo.

Kaya lang..

Hindi naman ako nasa tabi niya, sa likod niya ako nakatayo.

Ayoko dito.

Wala akong makitang iba kundi ang altar, ang pari at ang likod ng kaibigan ko kasama ng mapapangasawa niya. Tuwing tinititigan ko sila, pakiramdam ko magkahawak silang naglalakad palayo sa'kin.

Pakiramdam ko mag'isa nalang ako.

Dear Jaiddenn Angelo. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon? Natutuwa ako kasi masaya kang magpapakasal sa taong nagpapasaya sa'yo at magiging masaya ka na habang buhay.

Pero bat ganun? Bakit ba pakiramdam ko nagseselos ako. This is so odd Jai. Is this normal for a bestfriend?!

Huwag kang mag I do, please lang. If you do that, I can never be your bestfriend again. Kasi that title will undoubtedly be passed on to you wife. She will be your new bestfriend now.

Siya na palaga pagsasabihan mo ng mga sikreto mo. Siya na palagi kakausapin mo tungkol sa mga sama ng loob mo. Siya na rin ang magpapasaya sa'yo pag nalulungkot ka. Siya na palagi sa tabi mo. Siya nalang palagi..

Jaiddenn Angelo, alam ko pinangako natin sa isa't isa na palaging sabay tayo. Sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng sitwasyon.

At ngayong ikakasal ka na, dapat sabay tayong  maging masaya para sa'yo at sa magiging pamilya mo.

Jai, alam mong kahit nung batang mapanghi palang ako at batang tiyanak ka palang palagi ko ng niloloko ang sarili ko na maging masaya sa lahat ng pagkakataon. Dapat sanay na'ko sa ganyan. Dapat expert na talaga ako sa pagpapanggap.

I can handle anything Jai, you know that, because its you who have said that. Pero sorry, I really cant stand here staring at your back without falling on my knees.. I have to leave.

Sorry Sorry. Sorry. Pero ngayong may nahanap ka nang bagong kasabay..

Wala ng .......

"SABAY TAYO..."

Sabay Tayo! ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon