♡03 - ALL ABOUT YOUR HEART

14 1 0
                                    

--------------------------♥

Poooooogggssh!!

Kanina pa kami nagsisigawan dito pero alam ko walang nakakarinig kasi nga lahat ng mga tao abala sa pakikipagkwentuha tsaka sayawan.

Pero nung nahulog yung paso sa ilalim, lahit natigilan at tumahimik. Parang yung sa mga nakikita sa TV. Lahat tahimik maliban dun sa tugtug para sa mga sumasayaw.

Hindi na ako sumilip pa kung anong nagyayari sa ilalim. Sa loob ng ilang segundo nagkatitigan lang talaga kami ng batang tiyanak.

(O_-) ---> mukha ko

(-_o)  ---> mukha niya ( singkit siya eh, mas maliit mata niya.)

Ewan ko ba. Feeling ko nagtitinginan lang kami pero parang naiintindihan namin ang iniisip ng isa't isa.

(x¿x)   ----> Tanga kasi eh! Sabing ibaba eh!

(~0.O~) ----> Sorry na! Di ko naman alam eh. Ano nang gagawin ko?

( O.o' ) ----> Oh?! Kinalaman ko diyan..

Nang biglang may naririnig na kaming nagtatakbuhan sa labas.

"Anong nangyari dito?! May nasaktan ba? Sa'n ba to nanggaling.. Oh my god?! Angelo? Andiyan ka ba?" naalala ko, boses yun ni ginang singkit.

Sunod, narinig ko nalang na may nagtatakbuhan na paakyat ng hagdan. Nagkatinginan ulit kami ng batang tiyanak.

(O_O') -----> ako! (Uyy! Ano na!)

(o_o")  -----> siya (Ewan ko sa'yo)

Dinig na dinig ko yung sapatos ng mga tao nung nakalapag na sila sa ikalawang palapag ng bahay. Ilang hakbang nalang sila dito sa veranda.

(@_@) -----> please? (ako)

(-- _--) ----> Haii. May utang ka sa'kin. (siya)

Bumukas ang pinto dun sa veranda at sabay-sabay na pumasok si ginang singkit at yung asawa niyang si ginoong mayor, si mama, si papa at iba pang ususero.

Automatikong tumabi sakin yung batang tiyanak at harapan yung mga tao malapit sa pintuan.

"Jallieah Mikaela Sta. Cruz!"

"Jaiddenn Angelo Alcantara!"

Sabay-sabay na sigaw ng nanay ko at ni ginang singkit.

"Ano bang ginawa mong bata ka?!" gisa sa'kin ng nanay ko. Si papa nakatingin lang. Magtatanong din ata kung anong nangyari pero di makaimik dahil sa nanay kong to.

"Jaiddenn, speak. What happened?!" tanong ni ginoong mayor. Grabeh. Katakot naman tong si ginoong mayor. Huuhuhu.

At sino naman yung Jaiddenn?! Gusto kong umiyak na lang. Kasalanan ko naman talaga.

Magbubukas na sana ako ng bunganga ng..

"Sorry mom, dad. Its my fault. Natabig ko po kasi yung halaman, nakalimutan kong kaka'lipat lang pala nun sa paso. Sa puno ko po kasi nahawakan, kaya yung paso diretsong nahulog, di ko na po nasagip."

"Pa'no mo naman nakalimutan eh ikaw nga kahapon ang naglipat niyan diba??" tanong ni ginang singkit dun sa batang tiyanak.

"Madilim po kasi. Akala ko yung mga ibang halaman lang po dito.." pagsisinungaling niya.

 

Tumingin ako sa batang tiyanak. Ampff! Salamat. Gusto ko talagang sabihin yun sa kanya.

Tumingin naman ako kay ginang singkit. Haaaa! Buti naman mukhang niniwala sila sa gawa-gawang kwento ng tiyanak.

Sabay Tayo! ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon