♡02 - ENCHANTED

10 1 0
                                    

-------------------------♥

"Pa, sabihin mo kasi kay mama na ayokong sumama."

"Ayy. Di pwede Nak. Excited pa naman mama mo dun. Tsaka, uuwi nalang tayo agad. Eto naman.. parang sa kabilang bahay lang eh.."

"Aeeeh! Ayoko pa din pa. Diba kakamatay lang ni Lolo Ising? Baka naman andun pa yung espirito nun noh. Galit pa naman sa'kin yun kasi lagi kong ninanakaw yung mangga sa likod bahay nila."

"Di pwede. Sasama ka. Huwag ka nga magpapaniwala sa kwento ng lola mo. Niloloko ka lang nun. Sige na, umayos ka na. Kasama mo naman si papa eh."

"Aii. Papa naman eh, wag na ganyan. Baka sabihin namin nala Papa's girl padin ako eh, ang laki-laki ko na.."

"Ayiie. Etong panaganay ko, nagdadalaga na pala..."

"Pa naman eh. Sabi ko po, malaki lang.. di pa ako dalaga. Grade four palang po ako sa pasukan no..."

"Oh siya, siya.. Bilis na. At naiinip na mama mo sa ilalim."

Haii. Papa talaga. Malaki na nga ko, nakiki'kulit pa sa'kin. Bakit ba kailangan kasi namin pumunta lahat sa kabilang bahay? Pwede namang si Mama lg diba.. Siya naman yung may bestfriend dun, di naman namin yun kilala eh.

Kakabihis ko lang matapos maligo kanina, dahil nga naihi ako sa panty ko.. Pero eto na naman ako, nagbibihis na naman. Dun daw kasi kami maghahapunan sa kabilang bahay.

May pakain daw kasi sabi ni Mama. Welcome back party ba yun?! Ba't ang panghi ng tunog. Ano ba 'yan..! Naalala ko na naman yung ginawa kong kahihiyan kanina sa salitang "panghi".

Grrr. Isusulat ko yun mamaya sa diary ko bago ako matulog. Nakakahiya talaga yun.

"Allie, ano ba?! Bababa ka ba o ano..?"

"Andiyan na po!"

Bumaba na'ko at sa sobrang excitement naman ni Mama eh hindi na niyang hinintay na mapatong ako sa sahig tsaka hinila si papa papunta sa kabila..

Ayy. Andami namang tao. Tsaka, may disco-disco pang maliit sa damuhan sa harap ng bahay. Sabagay, malaki naman tong lumang bahay. Parang nakakatakot ngalang minsan pag alam mong walang tao.

Buti nalang may titira na talagang pamilya dito. Dati kasi, si Lolo Ising lang nakatira dito tsaka yung nurse na tagapag-linis na tagapag-luto na tagapaglaba ang kasama niya.

Sa balkonahe na nasa ikalawang palapag na bahay, napansin kong may bandera na may nakasulat na "Welcome Alcantara Family".

Ayy. Alcantara? Sa pagkakatanda ko 'Uy' yung apelyido ni Lolo Ising. Kalahating singkit kasi yun eh. Siguro di talaga taga rito yung bagong titira sa bahay.

Pa'no kaya ni Mama nakilala yun?! Yung Karlyn, sabi niya bestfriend niya daw yun. Grabeh naman tong si mama, kakalipat lang, bestfriend agad..?

Pumasok na talaga kami loob ng bahay.. Ayy. dami-dami namang tao dito. Parang buong barangay na naimbitihan ah.

"Ate, yung laway mo tutulo na." sabi ng kapatid ko habang hinahatak ang laylayan ng damit ko.

"Ano ka ba Jing! Tumahimik ka nga diyan! Ngayon lang kaya ako nakapasok dito. Ang ganda pala sa loob."

"Oo nga eh, ate. Mukhang nakakatakot sa labas pero ang ganda-ganda sa loob."

Hinila pa kami ni Mama't Papa papunta sa malaking kwarto na may napakalaking mesa sa gitna.

"Ate, ate! Ang daming pagkain sa mesa oh! Parang may piyesta!"

"Tumahimik ka nga Jing. Baka sabihin ng iba ngayon kalang nakakita ng malaking mesang punong-puno ng pagkain.."

Sabay Tayo! ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon