A/N: Ang tagal kong hindi nakapag update. Pasensya na guys! Basahin niyo parin to pleaseeeee.
Salamat!
--
Chapter 3: Not with him
"Anak ba talaga kita?" nakafacepalm pa si mommy. Kiniss ko na siya at inabot yung baon ko hahahahahaha.
Kumaripas na ko ng takbo at agad pumasok sa kotse ni Calvin. Alam niyo yung itsura ng bagong ligo na hindi na nakapag ayos man lang? Yun yung itsura ko ngayon!
"Ohh woaahh...good morning Isaw." bati niya sakin pagpasok na pagpasok ko ng kotse. "Basang isaw." Araw araw na lang ba mula Lunes hanggang Sabado makakasama ko to?
Sinimulan ko ng suklayin ngayon yung buhok habang nakaupo rito sa passenger's seat.
Nakakaisang linggo na kami sa school pero ewan ko ba at nakakatagal pa naman ako...ng ganito! Laging nagmamadali, late ng gumising. Hayyyyyyy (-_-) Buti nga di kami naleleyt e.
"Isaw na naman? Well matatanggap ko pa yun kaso yung basang isaw? Aargghh! May laman na katawan ko no." sabi ko at tsaka tumigil sa pagsusuklay.
"Well you're right. Mga buto,buto,buto hahahahahaha daming laman!" tawa siya ng tawa aaahhhhhhhh!
"Magdrive ka na nga lang bwisit!" umirap ako. Kinuha ko sa pouch ko yung face powder at lipbalm at tsaka binaba yung salamin sa passenger's seat. Naglalagay ako ng mga to para naman hindi ako magmukhang pale sa school. Pero syempre pinananatili kong simple lang kasi simplicity is beauty ;) At tsaka yung lipbalm naglalagay talaga ko everyday kasi mabilis matuyo lips ko.
"Dry lips? May alam akong paraan para hindi na yan laging tuyo." tumingin ako sa kanya at binigyan niya ko ng isang nakakalokong ngiti.
"Yuck! Kung ano man yang pinagsasasabi mo, wag na lang! Eeewww."
"Hahahahahahaha! Ang cute mo talagang asarin." nagmamaneho siya pero yung isa niyang kamay ginamit niya para pisilin ko kaliwang pisngi ko.
"Hmmp.. aray naman."
"Alam mo nung nasa London ako, walang araw na hindi kita naisip." tinignan niya ko ng may halong kalungkutan. "Minsan napapanaginipan kita," seryosong seryoso yung expression niya, "Nightmares I guess." at bigla siyang humalakhak.
"Ah ganun?" nanlilisik yung mata ko. "Damn you!"
"Hahahahahaha! Hay namiss talaga kita Isaw."
"Well ako, hindi kita namiss. My life's great without you."
So ito pala yung sinasabi nilang tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Yes I missed him kahit papano. Minsan kasi pag wala ako sa sarili noon, hinahanap hanap ko yung presensya ni Calvin. Yung taong laging binubwisit at inaasar ako.
"Sama nito. Do you hate me that much?"
"Nga pala..." he looks like meron siyang gustong itanong. "Uhmm... gusto mo pa rin ba si kuya?"
Tinignan ko siya ng seryoso at sinabing, "Hindi na."
"Talaga?" ngiting ngiting tanong niya.
"Oo nga! Bata pa ko nun! Puppy love lang, walang seryosohan."
"Buti naman hahaha. May girlfriend na kasi si kuya sa London e."
At some point hindi ko alam kung ano ba lang mararamdaman ko... matutuwa? masasaktan? Hindi ko alam.
"Well, good for him." sabi ko at tsaka ngumiti.
Pinagpatuloy lang niya lang pagmamaneho at wala ng umimik pa sa amin.
BINABASA MO ANG
My Frenemy is BACK!
HumorThe person that I love talking to is also the person that I hate to see existing in this world. Buti na lang 4 na taon siyang nawala kaya naging masaya at mapayapa na ang buhay ko. Kaso... nagbalik siya! My 10% friend and 90% enemy is back! My Frene...