Chapter 1: He's back
~
Naranasan niyo na bang gumising isang umaga na para bang ayaw niyo ng pumasok sa school hindi dahil tamad kang mag aral kundi dahil may isang tao na ayaw mong makita?
"Isabelle gising na!"
Arghhhh ayaw! Mommy naman e!
"Isabelle gumising ka na diyan! Male-late kayo ni Calvin pag hindi ka pa bumangon diyan."
Calvin. Naiirita ko sa pangalan niya.
Grrrrrr!
"Mommy pakisabi po sa kanya mauna na siya kamo." talaga naman. Ayaw ko siyang makita, ayaw ko siyang makasabay pagpasok sa school. 1st day of school ko sa Cervano university tapos makakasabay ko yan? What the ffff?!?
"Gastos ka pa sa pamasahe e, bilis na bangon na diyan!"
Arghhhhh!
"Sige po eto na." bumangon na ko kahit na ayoko.
A. Y. O. K. O.
Bakit kasi bumalik pa siya?!?Kairita naman oh!
--
So bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Magbestfriends ang mga magulang namin. Yung mommy ko at si tita Chriselle (mommy ni Calvin) ay magbestfriends. Yung daddy ko at si tito Alvin (daddy ni Calvin) ay magbestfriends rin. Ang galing no? Magkapitbahay pa kami dahil gusto nilang magkakatabi lang sila ng bahay. Dito na ko lumaki sa Daisy Village kung saan kasabay ko ring lumaki si Calvin Sky Montano at ang kuya niya na matanda lang sa kanya ng dalawang taon na si Chris Daniel Montano. Grabe super crush ko talaga si kuya Chris (nakikikuya rin eh no?). Super close kaming tatlo, wala kasi akong kapatid, kaya silang dalawa na ang laging kalaro ko. Binuking ba naman ako ni Calvin kay kuya Chris na crush ko siya. Gumawa kasi ako ng letter para kay kuya Chris pero syempre papaedit ko pa yun kay Calvin dahil magaling sa grammar yun e, pero bwisit na yun. Binigay ba naman kay kuya Chris agad yung love letter. And worse, hindi niya inedit! Bagkus lalo pa niyang nilagyan ng mali yung love letter ko para kay kuya Chris. Ayun! Napahiya ako at pinagtawanan ni kuya Chris. Sabi niya bata pa raw ako para gumawa ng ganun. Pinakita niya sakin yung binigay kong love letter and ito ang laman nun. (Yung umpisa na lang nung letter yung papakita ko dahil nakakahiya na yung mga kasunod pa)
"Dear Chris my love,
I love Chris you since we was kids..." tama bang grammar yan?!? Di ba hindi?!? Grade 4 ako at that time tapos ganyan yung grammar ko? It was fabricated! Bwisit na Calvin yun.
Huuuu! Ayoko ng alalahanin pa yun. So bata pa nga lang kami, binubwisit at pinapahiya na ko ni Calvin. Kaibigan ko naman siya pero hindi ko alam kung bakit hilig niya kong pagtripan. Lagi kaming sabay pumasok niyan since pre elem. Sabi kasi ni tita Chriselle na bestfriend ni mommy,magandang sa kotse na lang nila ako sumabay pagpasok sa school dahil parehas lang naman kami ng school ng dalawang anak niya. Pre-elem hanggang grade 6, kasabay kong pumasok ng school sina Calvin at Kuya Chris (high school na siya noon sa kabilang building ng school namin). Pero natigil yun nung pumunta ng London ang buong family nila kaya natuto na kong magcommute at pumasok ng school mag isa for 4 consecutive years! Yup. Buong high school, walang Calvin na nangungulit at hilig akong ipahiya. Kaso 4 years ding wala si Kuya Chris, nakakalungkot naman. Tsaka sina tito Alvin at Tita Chriselle, nakakamiss sila.
So ito na nga, itong summer lang ay nagbalik ang pamilya nila pwera kay kuya Chris dahil ninais nitong manatili sa London. Sayang naman at wala siya.
Asusual, gusto ng parents namin na parehas kami ng school for college. Para raw sabay na kami lagi pumasok at para mabantayan namin ang isa't isa! Hindi ko alam kung papanong nakapag enroll si Calvin sa university na papasukan ko samantalang last year pa ang entrance exam. Eh nasa London siya nun. Ewan ko! Baka nakapag exam through online. Or baka nilakad. Hayyyyy ewan! Sabay na raw kaming pumasok ngayon dahil parehas naman kami ng course at block (bwisit gaya gaya ng course). Yun kasi ang napagkasunduan ng mga magulang namin.
--
Di na ko nakakain ng breakfast dahil pinagmamadali nga ako ni mommy. At isa pa, first day ko ngayon. Freshman na ko! Nag ayos na ko para maganda naman ako kung sakaling may cute akong kaklase LOL. Lumabas na ko ng gate namin at hinatid ako ni mommy sa bahay nila Calvin.
Nakita ko si tita Chriselle sa tapat ng malaking bahay nila at nagdidilig ng mga halaman nila sa labas. Nagmano ako sa kanya.
"Oh mars, ang cute talaga ng anak mo. Bagay na bagay sila ni Calvin ko." sambit ni tita Chriselle. Tita, don't say bad words po.
"Syempre naman mars, saan ba magmamana ng ka-cute-an yan? Edi sa akin hahaha. Oh nasaan na ba si Calvin?"
"Ito na palabas na. Siya na muna magdadrive mars, marunong naman yan."
"Ay sige tiwala naman ako sa anak mo mars."
Nakapark na sa labas ng bahay nila yung kotse. Lumabas na yung frenemy ko. Nagmano siya sa mommy ko at nagkunwaring mabait.
"Sige po ma, tita. Una na po kami ni Isa." Isa kasi ang tawag niya sakin...pag kaharap ang magulang ko.
Pinagbuksan pa niya ko ng kotse at tsaka sinimulan ng magdrive.
"Good morning, it's good to be with you again." he said. Then he looked at me like he's studying my face.
"Tumingin ka nga sa daan at wag sakin." saad ko.
"Napansin ko lang, lalo ka palang gumanda." tumingin na siya sa daan at pinagpatuloy ang pagdadrive. Nambobola lang yan, bulong ko sa sarili ko.
"4 years have passed and yet you still hate me? We're friends, right?" tanong niya. I looked at him and he's still looking straight at the road. Grabe ang laki na pala ng pinagbago niya. Parang umayos yung itsura niya ngayon, pero syempre... joke lang yun!
"Yes, we're friends. Tsaka hindi naman ako galit sayo ah." I said. Well, bwisit na bwisit lang!
"Galit na galit lang." he smirked.
Buti naman alam mo!
BINABASA MO ANG
My Frenemy is BACK!
HumorThe person that I love talking to is also the person that I hate to see existing in this world. Buti na lang 4 na taon siyang nawala kaya naging masaya at mapayapa na ang buhay ko. Kaso... nagbalik siya! My 10% friend and 90% enemy is back! My Frene...