"Huhuhuhuhuhuhu!!!!!" sabi ni Aling Maria. Kasama niya ang kaniyang asawa na si Mang Brando. Nasa lamay sila ng kanilang anak na si Sofia. Namatay ito dahil sa sakit sa puso.
Noong bata pa si Sofia, nakumpirmang may hika ang bata. Simpleng sakit lamang ito ngunit umabot sa sakit sa puso na siyang ikinamatay nito.
Maraming nakiramay sa kanila kabilang na si Enzo kasama si Veronica na girlfriend niya ngayon. "Umalis ka dito!" sabi ni Aling Maria. Sabay tak ni Mang Brando.
"Mare, bakit mo pinaaalis ang lalaking iyon?" Tanong ni Aling Sara. Biglang humagulgol si Aling Maria dahil ayaw na niyang balikan ang mga pangyayari.
"Ay, pasensya ka na ha. Kailangan lang siguro muna ng asawa ko na magpahinga." sabi ni Mang Brando. Dahan-dahang umupo si aling Maria sa isang upuan at inabutan siya ng tubig ni Mang Brando.
"Pero pwede bang malaman kung sino yung lalaking yun? Muka kasing malaki ang kasalanan nun kay mareng Maria." sabi ni Aling Sara.
"Siya ang dahilan ng pagkamatay ni Sofia. Ikukuwento ko sayo ang lahat ng mga pangyayari simula bata pa sila Enzo at Sofia. Sabi pa nga ni Sofia na lagi raw siyang talo sa mga laban nila e." sagot ni Mang Brando.
Ito ang kwinento ni Mang Brando kay Aling Sara.
Nagkakilala sila Enzo at Sofia noong bata pa sila. Siguro 3 years old palang ata sila ay magkaibigan na sila. Magkaibigan kasi kami ng mga magulang ni Enzo. Iisang kumpanya kami nagtatrabaho. Ang tatay ni Enzo ang pinakamataas sa kumpanya namin at ako naman ang pangalawa.
Noong 5th birthday ni Sofia, sila ang nag organize. Dahil doon, mas naging malapit kami sa isa't isa at parang naging isang pamilya na.
Hanggang sa naging grade 6 na sila, magkaklase parin sila. Siyenpre, dahil magka-ibigan ang mga magulang nila, magkaibigan narin sila. Sabay sila umuuwi at pumapasok sa paaralan.
Graduation day na. Sa school nila, may binibigay na blue rose na ibibigay mo sa 'special person' ng buhay mo na kaklase mo.
Dahil magkaibigan sila simula pa noong bata, nagbigayan sila ng blue roses. Dahil parehas silang nasa 'With High Honor' sa buong elementary, may regalo sa kanila ang kanilang mga magulang. Sila mismo ang pumili ng gusto nila.
Ang pinili nila ay ROAD TRIP. Mahilig sila mag- adventure kaya sa isang probinsya sila pumunta. Marami silang nagawa dun. Mga Larong pambata.
Naglaro sila ng habul- habulan.
"Habul-habulan, maliwanag ang buwan. Pagkabilang kong tatlo, nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo." Sabi ni Sofia. Nagtago ng mabuti si Enzo upang hindi siya makita ni Sofia."Taya!" Sigaw ni Sofia. Nagulat si Enzo at nagpaunahan sa pagtakbo ngunit nanalo si Sofia. "Hahahaha" tawa ni Sofia.
Sa lahat ng laro nila Sofia at Enzo sa araw na iyon, palaging nananalo si Sofia.
Pagod na pagod sila Sofia at Enzo kaya nagpahinga muna sila.
Bigla nalang nagreklamo si Sofia na hindi makahinga. Sinugod nila ito sa pinaka- malapit na ospital sa probinsya.
"Doc, kamusta na po ang anak ko?" tanong ni Aling Maria na sobrang kinakabahan.
"Maayos na po ang anak niyo. Kailangan lang po magpahinga. Hindi na rin po siya pwedeng mapagod at magpawis. Hindi po pwede ang sobrang Physical activities like running, jogging and bawal rin ang stress. Kailangan kumain ng healthy foods. Kailangan rin ng vitamin C and a lot of water." pagpapaliwanag ng doktor.
"E doc, ilang oras po ba siya magstay dito sa hospital?" tanong ni Enzo.
"Siguro 3 hours. Basta makakalabas na siya pag maayos na ang pakiramdam niya." sagot ng doktor.
"O Enzo, alam mo na ngayon na bawal mapagod si Sofia kaya kailangan mo siyang bantayan lalo na pag wala kami sa tabi ninyo." paalala ng tatay ni Enzo
"Opo." sagot naman ni Enzo. Binantayan nilang pahat si Sofia hanggang umayos na ang pakiramdam nito.
"Makakalabas na po ang pasyente ngayon" sabi ng doktor. "Ay, salamat po." tuwang tuwa na sinabi ni Aling Maria.
Nakauwi na ang dalawang pamilya sa tinutuluyan nila.
