Chapter 2

31 0 1
                                    

Simula nananaman ng 'school days' ng mga bata. Highschool na sina Sofia at Enzo. Hindi nila maintindihan kung bakit palagi silang magkaklase.

Maraming araw ang lumipas at sumapit na ang pasko. Sa nakasanayan ng pamilya, noche buena at palitan ng regalo ang isinagawa nila.

Dahil alam ni Enzo na mahilig sa fashion show ang kaibigan, nagregalo ito ng sapatos na pangfashion show.

Dahil rin alam ni Sofia na mahilig sa sports ang kaibigan na si Enzo, nagregalo naman ito ng rubber shoes.

Lahat ng pangyayari ay  nagsilbing ala-ala ng pamilya.

Hanggang sa isang araw ...
"Dad, pwede po ba kitang makausap mamaya dito sa bahay pagdating mo?" tanong ni Sofia.

"Sure. Bakit? May problema ka ba?" sabi ng kaniyang tatay. Nag- uusap silang dalawa sa telepono.

"Wala naman po. May sasabihin lang po ako sa inyo." sagot ni Sofia

Biglang may nagsalita na parang kailangan nang pumunta ni Mang Brando sa isang meeting.
"Sige,nak. Mamaya nalang. May meeting pa ako. Bye." pamamaalam ng kaniyang tatay.

Dumating na si Mang Brando sa kanilang tahanan at sa isang upuan naghihintay si Sofia.

"Oh, anak. Ano pala yung sasabihin mo sakin?" tanong ng ni Mang Brando.

"Dad, wag ka magagalit ha kasi.... ang weird lang na kaibigan ko si Enzo which is a boy." sabi ni Sofia.

"Ano namang problema dun? Nak, may hindi ka ba sinasabi sakin? Sa tingin ko kasi meron e" sabi ng kaniyang tatay.

"Dad, kasi parang gusto ko na si Enzo. Sorry Dad." sabay yakap sa kaniyang tatay.

"Ayos lang yun, nak. Alam mo ba na umamin narin si Enzo sa nanay niya na may gusto rin siya sayo." pagpapaliwanag ng kaniyang tatay.

"Ganun po ba . Thanks dad! Goodnight." sabi naman ni Sofia.

Valentines day na. Kagaya ulit ng dati, nagregalo sila sa kanilang pamilya. Pero sa araw na iyon, nag usap silang dalawa at umamin tungkol sa kanilang nararamdaman.

Gusto nila ang isa't isa. Sa madaling salita, M. U.

"Grade 9 na sila at magkapartner pa sila sa party na isinagawa sa kanilang paaralan" sabi ng nanay ni Enzo.

"Oo nga. Malaki na ang mga bata at nakaka pagdesisyon na sila para sa kanilang sarili.Sariling pera na ang ginagastos nila." dagdag pa ni Aling Maria.

"Truth or dare?" sabi ng mga kaibigan nina Enzo at Sofia habang naglalaro ng truth or dare. Si Enzo na ang sasagot ngayon.

"Dare!" sagot ni Enzo.

"Anong ipa promise mo kay Sofia?" tanong ng isa pa nilang kaibigan.

"Sofia, ikaw lang ang nasa puso ko. Wala nang iba. Ikaw ang una at huling titira sa puso ko." sagot ni Enzo.

Bigla nalang nagsigawan ang mga kaibigan nila.

"Ikaw naman Sofia. Anong maipapangako mo kay Enzo?" tanong ulit ng mga kaibigan nila.

" Teka lang. Tapos na ko kanina ah." sagot ni Sofia.

"Basta. Sagutin mo nalang!" sabi ng iba nilang kaibigan.

"Basta si Enzo ang forever treasure ko.... KUNG forever treasure din niya ako." sagot ni Sofia.

" Siyempre naman." mabilis na sagot ni Enzo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Larong PambataWhere stories live. Discover now