Enrish's POV
Pinapanood at pinapakingan ko lang si Daemon na iniisa-isa nag mga rooms sa unversity"Ito yung art room. Madalas mo ako makikita dyan dahil coures ko is Fine Arts. Ah saglit, hindi ko pa natatanong kung anong course mo. Ano nga ba?" Tanong nya
"Ah course ko? Hehehe Fine Arts same tayo" sagot ko
"Yas! O sige sabihin ko sa teacher natin sa Fine Arts na magkatabi tayo sa klase ha? Okay ba? Para maguide kita" may ngiting sabi nya
"Sige. Para naman may kakilala na ako, at tsaka para may makausap ako para hindi ako maging O.P. sa klase" sabay tawa ko
Napatawa naman siya sa sinabi ko
Napatigil ako sa paglakad nang may maramdama ako na masama at kakaiba sa loob ko, napansin siguro ni Daemon na hindi na ako sumusunod sa kanya kaya napatigil sya sa paglalakad at humarap sa akin
"Oh bakit Enrish? Bat ka tumigil?" Tanong nya
"Kasi....ano...ehhhh.." napahawak ako sa tiyan ko, fudge ang sakit! Palibhasa di kumain ng breakfast
"Hulaan ko hindi ka kumain ng breakfast noh? Kaya nagsasakit yang tiyan mo" sabi nya
Binasa ba nya isip ko?
Nahihiyang ngumiti ako sa kanya
"Oo eh, nagdalidali ako kasi kala ko ang time ng school na to is 7:00am yun pala 9:30am" napatawa na lang si Daemon
"Halika lilibre kita sa canteen masama ang gutom na nagaaral, tandaan mo yan. Baka mahimatay ka sa klase" parang siyang matandang pinapagalitan ang bata which is ako
Nagpahila na lang ako sa kanya papunta sa canteen.
"Oh, ano gusto mo? Kahit ano pili ka lang" sabi nya
Iba't-ibang pagkain ang nakita ko. May sandwich, burger, biscuits, spaghetti, siomai, lugaw at marami pa.
"Dun na lang ako sa sandwich at C2" sabi ko
Hindi naman ako masyadong gutom kaya yun na lang ang sinabi ko
"Oh ate narinig mo ang sinabi ng magandang binibini, sandwich at C2 daw" sabi niya with matching kindat dun sa tindera
Saglit ano sabi ni Daemon? Magandang binibini? Nang sinabi nya yung salitang yun bumilis ang tibok ng puso ko
"Ikaw talaga Daemon! Ang hilig mo mang bola sa mga babae pero icocompliment ko kayo bagay kayong dalawa" sabay ngiti nung tindera.
"Ah, salamat. Alam mo ate kaya kami bagay dahil gwapo ako at maganda ang binibining ito" kinuha nya yung kamay ko sabay hinalikan yon na para bang ako ay isang prinsesa. Nakakalokong tumingin sakin si Daemon
Napangiti na lang ako sa mga pogi points nitong lalaking to.
Nakakatawa rin sya.Diyos ko mukhang magkakasundo kami nitong lalaking to. Hilig mambiro pero.........
Simula nung pumasok ako dito sa university at nakaencounter ko itong si Daemon eh madalas na ako ngumingiti at tumatawa mga ilang minuto pa lang kami nagkakakilala pero pinapatawa na nya ako ng sobra. Ewan ko may something dito sa tao naito na nagpapatawa sakin.
Ipagpapatuloy.......
A/n: naiklian ba kayo? Sorry ah. Baguhan pa lang ako. Anyways thank you sa pagbabasa, and thank you for waiting for my updates.
BINABASA MO ANG
I Shouldn't Have Believed
Teen FictionNagsimula sa pagkakaibigan, humanga siya, humanga ka ngunit parehong palihim. Hindi mo matiis na nakikita syang may kasamang iba. Dumating ang panahon na nakaya mo na at nakapagipon ka na ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman mo...