Pagkatapos ako palamunin ni Daemon, este ilibre ay pumunta na kami sa klase namin.
Gaya nga ng sinabi nya kanina, magkatabi kami umupo.

Dumating na ang teacher namin
"Class! Ngayong semester na ito may bago kayong makakasama, Miss Black please show yourself infront" sabi nung teacher

"Okay po!" sabi ko. "Ace Enrish Black is the name, you can call me ALAS or ACE. Sana magkamabutihan tayo. Thank you" pagpapakilala ko, pagkatapos ng pagpapakilala ko dumiretso na ako pabalik sa upuan ko

"Okay! Class we are going to learn about the elements of art. Siguro naman alam nyo na yan diba? Dahil simula elementary tinuturo na yan. Kung magtatanong kayo kung bakit tinuturo ulit, yun ay dahil para marefresh ang memory ninyo tungkol dito." pagpapaliwanag niya

"Ay! May nakalimutan ako. Ace..."

"Yes mam?"

"Ako nga pala si Ms. Vargeh, Frencie Vargeh"

"Ahhhh"

Nagdiscuss lang si Mam Vargeh tapos  sabi nya pagkatapos daw magkakaroon ng by partner na activity

"Gaya nga ng sinabi ko, magkakaroon tayo ng by partner na activity. Ang gagawin ninyo sa activity na ito ay..... pipili kayo ng gagawing painting sa isang canvas na merong elements of art. Okay ba? Ako na ang pipili ng mga partners" sabi ni mam

"Okay po!" pachorus naming sabi

"Haeli Jao and Jairus Yiu"
"Mai Liaw and Yuhan Keh"
Nagtawag pa si Mam Vargeh ng mga names, hanggang nasabi na yung pangalan ko

"Ace Black and Daemon Edquila"
Tumingin ako dun sa katabi ko. Nakangiti siya sakin. "Tayo pala magkapartner" sabi nya

"Oo nga. San ba tayo gagawa? Samin o sainyo?" Tanong nya

"Samin na lang. Magmeet tayo sa Starbucks, dalhin mo lahat ng art tool mo. Ako na bahala sa canvas. Sa bahay na rin tayo magplano ng artwork." Pagpaplano nya

Tango lang ako ng tango. "Sige. Mga 5 tayo magkita" tumango na lang sya

"Class! Ang artwork na yan ay ipapasa nyo siguro ay mga friday, understood?" Tanong ni mam

"Yes po!" Chorus na namang sabi namin

"Okay. Dismiss"

Dali-dali nagligpit ako ng gamit, bakit? Ang gutom ko na eh. SOBRA! Kahit kakalibre lang sakin netong si Daemon ang gutom paren.

Nagpunta na kami ni Daemon sa canteen, sabi niya kasi sabay na kami.

Pagkapasok namin sa entrance, pinagtitinginan kami nung mga babae at yung iba naman nagbubulungan

"Sino kaya yung panget na kasama ni papa Daemon?"

"Grabe sino yung babaeng yun para lapitan ang asawa natin!"

"OMG! ANG PANGIT NUNG KASAMA NI BABY DAEMON. BAKA HELPER OR DI KAYA KATULONG NYA, DIBA GIRLS?"

WOW! As in wow! Grabe ang lakas nila ako husgahan di naman ako kilala! Mukhang mahirap ata to eh!

Napatingin sakin si Daemon, "Okay ka lang?" tanong nya, napansin nya siguro yung uneasiness sa mukha ko kaya ayan..........narinig siguro niya yung mga sinasabi nung mga babae na nakapaligid sa entrance kaya.......bigla siyang sumigaw

"Kayong lahat! Yung mga nagsasabi na pangit itong kasama ko humanda kayo! Simula ngayon wag na wag nyo siyang pagsasalitaan ng ganyan! At, huwag nyo rin aawayin o sasaktan siya dahil kung meron akong nakitang ni Isang sugat sa katawan nya, hindi nyo na makikita ang araw!" hinila na ako ni Daemon palayo sa mga babae na nandun sa entrance ng canteen

"Daemon, thank you." Nahihiyang sabi ko sa kanya
"Wala yun, alam mo kasi marami nang judgmental ngayon kaya nagsilbi akong knight and shining armour mo" nakangiting sabi nya aa akin

Daemon's POV
Hay nakakairita yung mga babae kanina at narinig ko rin na si Ace ang pinaguusapan nila kaya tama lang na sinaway ko yung mga babaeng yun

Kala mo ang gaganda, tangina mas maganda pa si Ace kesa sa kanila

Ah! este mas mukhang tao pa si Ace kesa sa kanilang lahat.

ipagpapatuloy.....

lol ang tagal ko lng di nagupdate sowri pooooo
keep in touch na lang jokes
ehehehehehhee😂😂

I Shouldn't  Have  Believed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon