Chapter 1

148 5 1
                                    

Eunice's POV

"Manong, pwede po bang pakibilisan naman po ng kaunti?" naghehesterical kong sabi kay manong driver.

"Ma'am.....patience is a virtue" kalmadong tugon naman nya.

Hmp! Pasalamat ka gwapo ka manong, ha!

"Ehh...ngayon po kasi ang unang araw ko sa eskwela. Kailangan po kasing  maging maaga ako dahil kailangan ko pa pong asikasuhin lahat ng kailangan ko." Nagmamadali kong sambit sa kanya. Ewan ko nalang kong mayroon pa syang naintidihan sa sinabi ko.

"Obvious naman po ma'am. Ia-announce kaya ang dates sa first day of school" hooh! Ang kalmado nya pa din ho!.

"Ehh...okay." kinakabahan na ako sa oras na ito.

Hindi pa pala ako nakapagpakilala ng maayos. Ako nga pala si Eunice Mae Damolo. 14 years old. 8th grade na sa taong ito. Hindi ko na ipapakilala ng panghabaan ang sarili ko dahil male-late na ako!

Pagkatapos ng ilang libong taon, sa wakas at nakarating na din ako sa paaralan ko. Ang bagal namang magdrive nung si manong driver. Napaghahalataang walang problema sa buhay.

Tumatakbo na ako papunta sa school gate dahil nakikita ko nang papalapit na itong magsara. Hay naku! Ka-first day-first day at late ako!

"Amp...nakakainis naman." Frustrated kong sabi sa sarili ko. Ang bagal ko kasing kumilos kanina sa bahay. Eh paano ba naman, hindi ako ginising ni mama kaya nagkandarapa akong kumilos kanina. Siguro, naiwan kong nakabukas ang gripo sa bathroom ko. Siguro rin, naiwan kong nakasaksak ang blower ko. At tsaka, feeling ko, hindi ko na-off ang ilaw sa kwarto at banyo ko.

Tignan nalang natin kung pagdating ko sa bahay eh walang sunog( note the sarcasm).

Nakahinga ako ng maluwang ng nakaabot pa ako sa gate. Pero agad din akong tumakbo para sumabay sa pag-line para sa flag ceremony. May nakakasabay dina akong tumatakbo at alam kong nakakakuha kami ng kaunting atensyon sa ibang estudyante dahil sa ang iingay ng mga takong namin. May nakabangga pa ako, buset!

"Miss?! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Sigaw ng isang babaeng maganda pero maldita. Obvious naman sa mga actions nya na maldita sya.

"Uhm...excuse me pero hindi ito ang sapat na oras para magtalo tayo. Kung mayroon ka naman sanang mga mata, makikita mong pinagtitinginan na tayo at higit sa lahat late na tayo sa flag ceremony." hooh! Ang haba nun! Hindi talaga ako huminga hanggang sa period.

"Aba't sumasagot-sagot ka pa!" Alangan naman hindi eh may bibig ako para sumagot! Ang sarap barahin ng isang to!

"Sorry miss. Wag ka munang papansin." Sabi ko at tumalikod na papuntang linya pero napatigil din ako ng nakitang wala na palang mga estudyante doon.

Anong nangyari? Bakit ang bilis naman ata nilang nawala? Ganun naba kahaba ang litanya namin kanina? Wala man lang bang mga announcements or greetings or introduction pagkatapos ng flag ceremony?!?!

Amp! Pambihirang buhay to oh! Hindi ko pa naman alam kung saang section ako! Ewan ko kung bakit di ko alam!?!.

Pero, hindi pa rin talaga ako nawawalan ng pag-asa. May nakita kasi akong kumpulan nga mga estudyante doon sa eskinita, Kaya pinuntan ko na rin. Nagtanung-tanung na rin ako kung saan makukuha ang mga kailangan kuhanin.

Pero, malas pa rin talaga ako dahil may nakabunggo akong matigas na poste. Pambihirang poste naman ito! Ang gwapo! Gwapong poste!--teka...what?!

"Stupid" bigkas nya at lumakad na papalayo sa akin. Ano daw?!

A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now