Chapter 2

64 6 0
                                    

Eunice's POV

"Okay...class. I'm Mrs. Marisa Sabino. I will be your class adviser, subject Filipino." Nakangiting saad ni ma'am.

Filipino daw ang subject nya pero nag-eenglish! Hoooh! Ang gulo ng world.

"So, alam nyo naman sigurong lahat ang gagawin kapag 1st day of school, hindi ba?" Tanon nya sa amin.

"Yes, ma'am!" Excited naman ang mga classmates ko. Ano pa nga bang gagawin edi, introduction!

Tumayo yung nasa malapit sa pintuan. In fairness, ang gwapo nya ha. Kaya lang, masyadong inosente.

"Good morning everyone, I'm Julius Marco Bentulan. 14 years old." Yan lang ang sinabi nya. Grabe, ang husky ng voice nya ha.

May mga sumunod pa sa kanya na grabe kung maka introduce sa sarili. Yung iba nga, sinama pa pati schedule ng trabaho nila sa kanilang bahay. As in, ang sarap talagang sabihan ng ANO BANG PAKE NAMIN?

Pero parang ako lang yata ang nabo-bore dito. Halatang-halatang nakikinig talaga sa kanila ang iba.

"Morning, I'm Gabriel Villafuerte." Sabi ng lalaking nasa tabi nung Julius na yun. Grabe, gwapo rin! Kaso, parang masungit tsaka intimidating.

Teka, di ba't ito ang bumunggo sa akin kanina? Amp!

Kinilig naman ang iba kong classmate. Ayy, pati nga lalaki, kinilig din! Jusko!

Hindi ko na namalayan na ako na pala.

"Good morning everyone. I'm Eunice Mae Damolo. 14 years old." Nakangiting sabi ko. Kita pa ang gilagid ko ah.

Ngumiti naman sa akin ang mga kaklase ko, pati na si Ma'am. Nadala siguro sa charm ko. Pero napansin ko ang titig ni Gab.

Tinaasan ko sya ng kilay, pero sa kaloob-looban ko may nafi-feel akong something sa tyan ako. And ayoko ng nafi-feel ko.

"Magtitigan nalang ba kayo dyan? Baka gusto nyong lumabas muna kami ng mga kaklase nyo para makapagmomment pa kayo dyan?" Nang-aasar na sabi ni Ma'am.

God! Gaano ba kami katagal nagtitigan? Pero ang walanghiya, nakatitig pa rin sa akin! Inirapan ko nalang sya at hindi na pinansin.

"Okay. So, magsisimula tayo sa sitting arrangement." Agad namang nag-ingay ang mga kakalase ko. Ang iba, hindi sumang-ayon. Ang iba naman, sang-ayon. Pero ako, WALANG PAKE!

"Okay...okay. Calm down. Total, ayaw nyo namang i-arrange ko kayo. Sige, kung saan nyo gusto, dyan kayo. Pero dapat next next month, i-aarangge ko na kayo. Understood?" Ngiti-ngiting sabi ni Ma'am. Nag-yes naman kami. Yung iba nga nagsalute pa.

Pagkaalis ni Ma'am sa flatform, nagkandaugaga na ang mga kaklase ko. Nagkasapid2x pa nga yung iba dahil sa kakamadali. Para namang mamatay sila pag wala nang seats. Letse!

Teka nga, bakit ba naiinis ako sa mga walang hiyang ito?

"Move." Sabi ng kung sinong hinayupak.

"I said move." Mariin nyang sabi. Kanina pa sya ah!

Naramdaman kong parang huminto sila lahat sa kanilang ginagaw at parang ang gumagalaw nalang ay ang nasa tabi ko. Nilingon ko sya at laking gulat ko ng si Gab pala ito. I mean, watdapak!

Tingnan ko naman kung saan sya nakatingin. Doon pala sya nakatingin ng masama sa lalaking nakaupo sa tabi ko.

"Dude, ano ba. Nauna ako dito. Ikaw ang umalis" sabi naman ni Rey? Hindi ako sure sa pangalan nya eh.

"I.Said.Move." at dahil dun, umalis nalang si Rey. Grabe ang harsh nya. Marami pa namang vacant seats, bakit dito pa? Ahh...siguro nadala din ito sa charm ko. Hehe.

"Grabe ang harsh mo naman. Nauna yung tao eh." Nakapout kong sabi sa kanya.

Tinignan lang nya ako. Wow, ang rude.

"So, I'm Gab. Eunice right?" Tanong nya sabay ngiti ng malapad. Grabe, feeling ko wala na akong panty...nahulog na yata...pakshet!

"Yeah...." sabi ko tsaka tumalikod sa kanya. Ang gwapo gwapo nya kapag ngumingiti, kita gilagid! Ahh...pwede nyo na akong kunin Lord.

A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now