Jade's POV
Summer vacation nun ng makilala ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Galing sya sa Manila at nagbakasyon sya dito sa probinsya dito sa Cebu.
"Uy Jade alam mo ba, magbabakasyon daw dito yung anak ni tita Risa. Mamaya na nga daw sya darating." Saad ni Dianne at parang kinikilig pa. Si Dianne, kaibigan ko simula bata pa lang ako.
"O? Eh ano naman ngayon?" Pinagpatuloy ko lang ang pagbabanlaw ng mga damit dito sa ilog.
"Hala sya! Kung nakita mo lang yung anak ni tita....grabe ang gwapo, ang puti pa, matangkad. Parang artista!" Halos himatayin na sya sa sobrang kilig.
"Bakit nagkita na ba kayo?" Tanong ko sakanya.
"Hindi pa. Pero nakikita ko sya sa mga picture na nakalagay sa sala nila tita. Nung tinulungan ko sila maglinis kahapon." Napa-ahh na lang ako. Kailangan ko ng matapos 'to. Pinakiusapan kasi ako ni tita Risa na tulungan sila sa pagluluto. Kaya pala nakiusap si tita na tumulong magpaluto kasi darating yung anak nya.
Nang matapos kaming maglaba duneretso na agad kami sa bahay ni tita Risa. Para ngang may piyesta sakanila ang daming pinalutong pagkain iba't ibang putahe. Mayaman naman sila tita Risa. Ang laki nga ng bahay nila dito. Isa si nanay sa mga katulong dito. Mabait kasi si tita kaya, yung iba nga kay tita lumalapit kapag nagigipit sila. Nagbibigay naman si tita.
Sabi ni tita bago daw magtanghalian nandito na daw yung anak nya. Nang maluto na lahat ng pagkain umuwi na muna ako sa bahay para maligo. Ang lagkit kasi ng pakiramdam ko. Ilang minuto rin ng matapos ako maligo, inaayos ko na yung buhok ko ng marinig ko ang boses ni Dianne.
"Jade! Jade! Jade!" Napairap na lang ako dahil sa kaingayan ni Dianne. Napakaingay talaga niya. Nakita kong huminto sya sa pinto.
"Nandito lang ako Dianne. Hindi ako nawawala. Bakit ka ba nagsisisigaw?" Tanong ko sakanya at nilapitan sya.
"Pinapatawag ka ni tita." Yun lang pala. Akala ko naman hinahabol sya ng baliw.
"Yun lang pala kung makasigaw ka ng pangalan ko akala mo may humahabol sayo na baliw. Tara na." Lumabas na ako ng bahay at dumeretso sa bahay nila tita. Nakita ko naman si tita Risa sa gate nila at kinakausap si Mang Nelson, driver nila tita.
"Tita pinapatawag nyo daw po ako?" Napatingin naman saakin si tita.
"Ah oo, gusto ko sanang ikaw magsundo sa anak ko sa airport. Samahan mo si Mang Nelson. Pwede ba?" Bakit ako? Wala na rin akong magagawa.
"Syempre naman po pwedeng pwede. Ngayon na po ba?"
"Oo ngayon na. Sige na kanina pa kasi sya naghihintay dun. Hindi ko naman nasagot yung mga tawag nya kanina kasi abala ako sa pagluluto. Pakipaliwanag na lang sakanya mamaya." Tumango lang ako at sumakay na sa kotse. Buti pa sila tita meron nito.
Ilang oras din nasa airport na kami. Huminto yung kotse sa tapat ng waiting shed. May nakita naman kaming isang lalaki na nakatalikod at parang may kausap sa phone. Bumaba ako sa kotse at nilapitan yung lalaki. Kinalabit ko sya ng isang beses pero hindi pa rin sya lumilingon. Kaya kinalabit ko sya ulit pero wala pa rin. Kaya sunod-sunod ko syang inalabit.
"Ano ba?! Bakit ka ba kalabit ng kalabit? Can't you see? May kausap ako sa phone." Huminto sya sandali at may tinignan sa phone nya. "Ikaw na ba yung magsusundo saakin?" Mahinahon na sya ngayon.
"O-opo. A-ako po yung i-inutusan ni tita Risa para s-sunduin kayo." Ay! Bakit ba ako nauutal? Syempre ikaw ba naman ang makaharap ng gwapo tapos ngayon mo lang nakita, hindi ka ba kakabahan? Tama si Dianne...gwapo nga sya.
YOU ARE READING
Gihigugma Ko Ikaw Mr. Sungit
Random"Gihigugma ko ikaw." Saad ko habang nakayakap sakanya. Alam kong hindi nya naintindihan ang sinabi ko kaya panatag kong sinabi yun. "Gihigugma ko rin ikaw." Napakalas ako sa pagkakayakap ng marinig ko ang sinabi nya. "Alam mo ibig sabihin nun?" Tuma...