Ang buhay nang isang TORPE 2

27 2 0
                                    

(Eto na ang pangalawang parte nang aking kwento, at gaya nang dati salamat sa patuloy na pagsuporta saaking kwento)

Sa totoo lang hindi naman talaga ako ganito eh. Kapag may nararamdaman ako sinasabi ko lang. Pag mahal ko ang tao, sasabihin kong mahal ko sya. Pag mahalaga sya sasabihin kong mahalaga sya, o kung natutuwa ako sakanya, sasabihin kong natutuwa ako sakanya.

Pero sa pagkakataon na to hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sakanya na mahal ko sya,. Bakit hindi ko masabing hindi kompleto ang araw pag hindi ko sya nakakausap o nakikita. Bakit hanggang tingin nalang ako sa kanyang picture.

Pero kahit ganun man nandito lang ako para sakanya, hindi man ako mapansin, lagi man ako mabalewala. Basta ang importante masaya ako na masaya sya kahit hindi man ako ang dahilan nang mga ngiti sa kanyang mukha.

Masyadong mahaba ang ikukwento ko sainyo kung pano kami nag, kakilala basta eto kami ngayon. Sya ay isang simpleng babae na mayaman sa kaibigan. Ako, simpleng lalaking kaibigan nya. Hindi kami madalas magkasama, kaya nakukuntento na ako ngayon sa pagbati sa tuwing kami ay nagkakasalubong.

Sa pag tingin ko sakanya sa malayo at sa pagkakataon na makakasama ko sya kahit saglit. Alam mo yung pakiramdam na kasama mo sya, yung tipong kailangan mong kumain nang balot dahil sa sobrang nanglalambot ng tuhod mo. Ang gaan sa pakiramdam, para kang lobo na anumang oras ay pwede kang lumipad O.A man pero ang saya talaga eh.

Suddenly naging kompleto ang buhay kahit sabihin nating hindi kapa gruma-graduate at wala ka pang trabaho. Ang saya ko lang. Ang saya lang

Pero kahit ganun ako kasaya, bakit natatakot ako?

(Ok guys eto na po yung ending nang chapter 2 ng Torpe, salamat po ulit sa pagbasa nang aking kwento, every weekends ako mag po-post nang bagong chapter tutukan nyo po yan :) )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang buhay nang isang TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon